How to check a drunk companion? Hindina makalakad. Checked! "Belle! Umayos ka nga!" naiirita kong saway sa kanya sabay linga sa mga taong nakatingin sa amin. "I- " At natumba na naman. Naiiling na lamang ako habang inaakay siya para makatayo. Kung alam ko lang na ganito pala magwalwal si Belle ay hindi ko na lang siya inaya na uminom. Hindi na maayos magsalita. Checked! "Ano ba ang address ng bahay ninyo?" tanong ko nang makapasok kami ng sasakyan at naiupo ko na siya sa front seat katabi ko. Suminok muna siya bago sumagot, "San Juana lasyon shet." "Ano?" "Shan wana lasyon shet! Bingi ka ba?" Ang huling salita ang naayos niyang bigkasin pero ang address niya, hindi! Grrrr! Hindi ko na siya papainumin ng alak sa susunod. I swear! Itataga ko sa lahat ng bato sa Pilipinas! M

