Pikit-mata kong pinatak ang sinaling ihi sa pregnancy test na binili ko kahapon. Matagal na akong may duda na baka buntis ako pero hindi ako sigurado dahil wala namang simtomas akong nararamdaman maliban sa hindi pa ako nadadatnan. Pero baka, delayed lang. Gusto ko rin lang makasiguro. Nagtatalo ang isip ko. Part of my brain wants to bear a child but the other side doesn't want. Paano ba naman, kung sakaling buntis ako ay ang sinungaling na si Nathan pa ang magiging ama. Ayaw ko nang magkaroon ng ugnayan sa kanya. He hurt me a lot. Ilang beses na niyang pinaramdam sa akin na hindi naman mahalaga ang nararamdaman ko sa kanya. Pinapamukha niya lang na sa isang tayo niya ay luluhod ako at babalik sa kanya. I had enough! Nais man ng puso ko na ipaglaban at intindihin siya pero pagod na pag

