Ang boring maging CEO. Ang boring maging boss. Ang boring umupo lang at basahin ang kumpol-kumpol na mga papel sa ibabaw ng lamesa ko. Ganito ba ka-boring ang trabaho ni Marco? Hindi siya nabuburyo sa paulit-paulit na routine? Dahil ako, isang araw ko pa lang sa posisyon ko ay tinatamad na ako. Ni wala nga akong nagawang trabaho at kahit magbasa at intindihin ang mga files na nasa lamesa ko ay walang pumapasok sa utak ko.
Hindi ko talaga linya ito. Pagiging matinee idol lang ang kaya kong gawin!
"Hey, Belle!" tawag ko sa babae na abalang nag-aayos ng mga folders sa lamesa. Buti pa itong nilalang na ‘to ay abala. Palit kaya kami?
Tiningnan lang ako ng dalaga ngunit hindi naman nagtagal amg tingin at ibinalik ang mga mata sa ginagawa.
"Ilang taon ka na?" tanong ko. Wala lang talaga akong maisip at mukhang post-job interview ito. Hire na bago interview. Kaasar lang talaga dahil hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong makahanap ng sarili ko secretary. Iyong tipong kay sarap magtrabaho dahil may sexy-tary kang nagtatrabaho— hapit ang suot na blouse at hindi katulad ng isang ‘to na kaunting ihip lang ay mukhang lilipad na. Kumakain kaya si Belle?
Nagkunot-noo pa siya bago sumagot. "Twenty."
Masyadong matanda na ang edad sa kanyang hitsura. Parang kinse anyos pa ang babaeng ‘to.
"Did you finish your school?" usisa ko at ipinatong ang siko sa lamesa para makaharap siya nang mabuti.
Mabilis siyang umiling ngunit hindi ako tinitingnan. "Mag-aaral pa lang ulit."
Tumango-tango ako. Sabagay, bata pa naman siya, puwede pang mag-aral. Never too late, anyway.
"Laarni Belle ka ba?"
Abot ang mga kilay niyang lumingon sa akin, tila ba takang-taka sa tinanong ko. Masama ba? May sense naman. Laarni ang totoo niyang pangalan, tawag sa kanya ay Belle, so puwede…
"Ano'ng Laarni Belle?"
"Your full name, hello?" I replied.
"Nag-iimbento ka ng pangalan, Sir." Tumungo siya sa book shelf at kumuha ng iilang libro. Nang humarap siya sa akin ay nakasimangot na siya.
"Basahin mo 'yan." Inilapag niya ang libro sa harapan ko.
Architectural book. Tss! Aanhin ko iyan? Pasalamat nga ako dahil sa limang taon kong pag-aaral ay nakaraos sa pagbabasa, ngayon ay pababasahin niya ako? Who you?
Ngunit mas naging kuryuso ako sa pangalan niya kaysa sa mga libro sa aking harapan.
"Eh, bakit Belle? Why Laarni?" I asked again with confusion while opening tha pages of the book.
"Malas ang Laarni. At saka, ang dami mong tanong. Sabi ni Kuya Marco, ipabasa ko raw ang mga 'yan sa iyo."
Seryoso ko siyang tiningala at isinarado ang libro. “Sa pagkakaalam ko, Belle, assistant kita at hindi teacher. Bakit mo ako pababasahin?”
Ngunit imbes na pansinin ako ay umupo siya sa aking harapan. She took also a book and started to read. Habang ako ay mas lalong na-bored dahil ang tahimik na naming dalawa.
“Che-check ko lang ang staff—”
“Upo, Sir Nathan! Hindi ka po supervisor, CEO ka kaya dapat kang magbasa nang magbasa para alam mo ang gagawin.”
Napakurap ako sa kanyang sinabi. Aba-aba! Sumapi ang masamang espirito ni Marco sa kanya, ah!
Bumubuka-buka ang aking mga ilong habang tinitingnan siya ngunit tila wala siyang pakialam sa pagpuputok ng butse ko.
Mabigat akong bumuntong-hininga at pagod na isinandal ang likod sa backrest ng aking swivel chair. Ano pa ba ang gagawin ko kundi makibasa na lang din.
I scanned mine but did not read it. Actually, I read but I don’t have time to comprehend it. Pagod ako.
Ilang pages na ang binuklat-buklat ko nang bigla akong may pumasok sa utak ko. Kahit kailang, Nathan, may matalino kang nagagawa sa buhay…
Napangisi ako sa naisip.
“Belle…” tawag ko sa kanya. Sandali niya lang itinangala ang mukha. “Yes?”
"Call me Young Master."
"Ano?" bulalas ni Belle na hindi mafjamayaw ang pagkalukot ng kanyang noo.
"I said, call me young master," ulit ko.
She chuckled and crossed her arms on her chest. Akala mo naman may mapapatungan. Pambhira!
"Kung ayaw ko?" taas-kilay na tugon niya.
I smirked naughtily and put down the book. "Eh, call me baby.”
Napaawang ang bibig ni Belle sa gulat. Napasapo pa niya ang sariling dibdib at padabog siyang tumayo at naglakad papunta sa aking harapan.
Iniliko ko ang swivel chair para makaharap siya at nakangisi siyang tiningnan.
"Si Kuya Marco ang boss ko at hindi kita susundin," giit niya.
Kunwari ay gulat ako ngunit hindi ko iyon ikinasama. Alam ko naman na sa una pa lang ay may plano na si Marco na mag-hire ng agent para tiktikan ako. Sus!
"Ow. But as the CEO of this company, I can fire you. Wala sa mataas na posisyon si Marco ngayon. So… wala kang magagawa kundi ang sundin ang young master mo," I replied, playing my pen on my fingers. Ginagaya ko ang ginagawa ni Marco. Mukhang cool tingnan, eh.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata at kitang-kita ang panggagalaiti niya sa inis.
Ang sama pa ng tingin niya pero hindi ako nagpatinag. “Just choose Belle…”
Ilang sandali niya akong tinitigan nang masama hanggang sa sumuko na siya.
"Fine. Young Master!"
"Good, girl. Pero ayaw mo ng baby?"
Umirap si Belle at tumingin sa relo.
"Break na ako. Lunch time na," sabi niyang nakasimangot.
Uf! Ang mga ganitong empleyado, oras lang ang hinihintay.
Nag-aayos na siya ng maliit niyang bag hanggang sa may napansin ako. She looked cute when she was pissed off. Kaya naisip ko na inisin siya araw-araw.
"Oh, okay. Let's go," ani kong tumayo rin at kinuha ang cellphone sa lamesa.
Gulat siyang tumingin sa akin at napatuwid ng tayo. "Wait, Young Master? Ano'ng let's go?"
Kinuha ko pa ang iilang librong nagkalat sa lamesa ko’t ipinatong ito sa librong binabasa niya kanina.
"Kakain tayo. Tara na! Gutom na ako," sagot ko na hinimas-himas pa ang tiyan.
She exaggeratedly opened her mouth and shook her head in disbelief.
"Kakain ka mag-isa. Ako kina Ate Ava sa cafeteria," tugon din ni Belle.
Ako naman ngayon ang tumango-tango at pinameywangan siya.
"You will eat with me. Paano kung may gagawin akong hindi kaaya-kaaya? 'Di ba spy ka ni Marco? Malinaw na sinabi niya na keep an eye on me."
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang sinabi.
“P-Paano…”
Well, nanay ko tsismosa. Kaya ay ipinanganak akong tsismoso. Ano pa ba ang inaasahan niya?
She thought for a while and replied, "Okay. Pero libre mo!"
Sus! Iyon lang? Kahit pa, breakfast, lunch at dinner— ako ang aayuda sa kanya.
Agad kaming lumabas ng gusali. Marami-rami na ring naghahanda para sa kani-kanilang mga lunch.
Nasa labas na kami at ang maalinsangan ng kapaligaran. Nakakapanibago sa klima rito kaysa sa Italya.
In front was a row of different restaurants. Mamahalin at lutong ibang bansa ang mga putahe. I heard, Marco's favorite one was the French Resto, kaso sawang-sawa na ako sa mga pagkaing ganyan.
Lumiko kami sa isang eskinita. I discovered one food house yesterday. Behind our building was a small telecompany and I found a cuisine beside.
Hindi ko man nakikita ang hitsura ni Belle pero alam kong nagtataka siya.
"Teka, nando'n iyong mga resto, oh," turo ni Belle sa kainan sa harap ng building namin.
Nginisihan ko siya. "I found one here. The best!"
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at hinila. We walked at the street side dahil may mga sasakyan na dumadaan. Ang gaan pa naman niyang bitbitin. Ang daling hilahin.
Ilang lakad lang at nakita ko na ang pinaka the best na kainan na napuntahan ko.
"Here we are, Miming's Karinderya!" Iwinasiwas ko pa ang mga kamay sa harapan niya. She was obviously surprised. Nakaawang pa ang bibig niya habang nakatingala sa maliit na kainan.
Akala siguro ng Belle na ito na dadalhin ko siya sa mga mamahaling restaurant. Asa siya!
"Dito?"
Tumango ako. “Yes, baby girl.”
Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko ngunit ngumiti lang ako.
"Young master!" sigaw ni Mang Kardo, ang asawa ng may-ari ng karinderya.
"Mang Kardo!" Hindi nga lang Dalisay.
Lumapit siya sa akin at umakbay. He was wearing a checkered apron with a good morning towel on the shoulder.
"Baby girl, nandito na ang paborito mong customer!"
Lumabas nga ang baby girl niya, si Aling Miming. Pulang-pula ang mukha ng babae, nakainom na yata. She was twirking and shaking her body and to realize, nagpapatugtug pala sila ng Lambada.
"Ayos, ah!" komento ko.
"Ariba!¹" sigaw ni Aling Miming sabay kembot papunta sa akin, ‘di alintana ang mga tao sa paligid.
Hinila ako ng babae sa loob habang patuloy na nagsasayaw. Sinenyasan ko si Belle na pumasok dahil mukhang napako na siya sa kinatatayuan.
Para namang hindi taga Pinas ang babaeng ‘to. Hindi niya ba alam na ganito ka-hospitable ang mga pinoy?
"Sumayaw ka, young master!" yaya ni Aling Miming. Yumuyugyug ang may kalakihang tiyan niya habang patuloy sa pag-indak.
Hinay-hinay ko ring ikenembot ang balakang at umikot-ikot para sabayan sa pagsayaw.
"Ang aga yatang nakalaklak, ah!" natatawang sabi ko habang pinapaikot siya sa aking harapan.
"Siyempre, para maagang matapos!" At hinampas pa ako sa braso. Halos mabuwal ako sa ginawa niya. Sa laki ba naman ng katawan na halos pagtiklupin ako ng pang-tatlo, sino ang hindi matutumba?
Nakita ko ang pigil na pagtawa ni Belle kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kung siya kaya ang ipahampas ko kay Aling Miming, ewan ko lang.
"Baby girl, baka gutom na iyang si Young Master, pakainin na natin," awat ng asawa niya at nahihiyang nagkamot ng batok.
Doon lang ako tinantanan ng babae at giniya sa isang lamesang kaharap ang pader. Medyo napagod ako sa kaunting sayaw, ah!
"Wats your ordir?" tanong niya kaya natawa ako.
"Naks, english. Mapapa-english ako nito, ah.” Hinimas ko ang baba at idinagdag, “Same pa rin Aling Miming, pork chop.”
Bumaling siya kay Belle na ngayon ay nakangiti ng nakatungo sa amin.
"At diyan sa kapatid mo?"
Wait? Kapatid?
Nagtataka kong tiningnan ang nakaupo sa tabi kong si Belle.
"Hindi ko siya kapatid," agad na tugon ko na napanguso. Mukha na ba akong kuya?
"Eh, ano? Anak?"
Naku po! Matanda na ba ako tingnan?
Mas lalo akong napanguso.
"Assistant ko iyan."
"Oh. Akala ko pa naman Grade 12," hagikgik na saad ni Aling Miming.
"Ang bata pa kasi tingnan," dagdag niya.
Napatingin ako kay Belle. Yes, she has this baby face. Her korean-shaped eyes na minsan lumiliit lalo na ang isang mata niya. She's cute, alright! Ngunit hindi naman ako ganoon katanda para mapagkamalang tatay ng babaeng ‘to.
"Ah... kuan, battered chicken na lang po."
"No! Ang payat-payat mo na nga, iyan pa ang kakainin mo? Ako na mag-oorder sa'yo,” angil ko.
Napaka-unhealthy ng mga kinakain!
"Pero–"
"I will pay, Belle. So, ako ang mamimili ng pagkain mo."
Pinili ko ang pakbet, ampalaya na may itlog at talbos ng kamote. Good for her health, dagdag dugo pa.
Nakasimangot na tinitigan ni Belle ang pagkain nang maihanda ito sa harapan niya.
"Eat!" utos ko.
Inirapan pa ako ng katabi bago isinubo ang talbos ng kamote.
Wala siyang nagawa kundi kumain. She has no choice. Kung siya ang teacher ko, s***h agent ni Marco, ako naman ang dietician niya.
"Bakit ang close mo na sa kanila? Matagal ka ng kumakain dito?" biglang tanong ni Belle na nginunguya ang pagkain.
"Kahapon lang."
I am friendly. Period. Halata naman masyado, ‘di ba?
Hindi na kami nag-imikan at kumain na lamang.
Habang kumakain ay panay ang dutdut niya sa cellphone. How can she eat well if tuwing tumutunog ang cp niya ay humihinto sa pagkain? Kaya ang nipis ng katawan, eh.
"Hey, stop it. Eat first," pagalit ko na mando sa kanya.
Rule number one ‘pag kasabay akong kumain, no cellphone allowed!
Ngunit 'di niya ako pinansin pero ibinaba naman ang cellphone.
Mayamaya ay narinig ko ang singhot niya. Is she crying?
"What's up, Belle?" nag-aalalang tanong ko nang marinig ang mahina niyang singhot.
"Wala," matabang na sagot niya.
Nagalit ba siya dahil pinakain ko siya ng mga ulam na ako ang namili?
Belle stood up and left her phone beside me. Mayamaya ay biglang may tumawag.
Love?
May boyfriend si Belle?
The call stopped but a message flashed on her screen. Hindi man lang naka-hide details itong babaeng 'to.
Dahil nga tsismoso ako, nabasa ko ang mensahe ng lalaki. f**k up, Belle! We're done. Sino ang lalaking magtatagal sa'yo. Kahit humalik 'di mo alam. Gago ka!
Opps! Foul 'yan, ah. Adik ba itong boyfriend niya?
Hindi ko gusto ang ugali ng kupal nito. Hindi ako seryosong tao, ngunit malaki ang respeto ko sa mga babae at ang pinagsasabi ng gagong ‘to ay ‘di maganda. Nafkaka-alta presyon ako!
Nasa banyo yata si Belle kaya, sekreto kong pinakialaman ang cellphone niya. Good thing, walang password. I deleted the message and search this man. She must not read it. Nakaka-degrading sa isang babae.
James Castro.
Hinanap ko ang lalaki sa sariling social media ko. Cazzo! Mapapamura ka. Akala mo ang gwapo. Sa bilugan na ulo na nagpakalbo pa, he doesn't deserve Belle. Para siyang pagong na napunta sa isang katawan ng lalaki!
I scrolled his newsfeed until I saw a post today– Black Market at 9 pm