"Mas mabuti pa na umuwi ka muna, Nathan. Hindi maganda na ganito. Pareho kayong lito at mainit ang sitwasyon ngayon," mahinahong payo ng nanay ni Belle. Bakit ang bilis ng mga pangyayari? Bakit ganoon na lamang? Hindi naman ako ang ama ng bata, ah! Tumayo ako at aakmang aakyat na sana nang pigilan ako sa braso ni Marco. "Makinig ka, Jonathan. Tita can handle this, huwag matigas ang ulo!" matigas na wika ng kapatid ko. Marco used his definitive voice to scare me. Pero 'di ako nagpatinag. Wala akong pakialam. Gusto ko lang makausap si Belle at ipaliwanag ang lahat. "Nathan!" I stiffened when Tito Arnee called me with his angry voice. "Nakinig kami sa 'yo nang nais mong magpaliwanag, sana makinig ka rin sa amin ngayon!" galit na sabi niya. I heaved a sigh and sat back on the couch in

