Chapter Twenty-Three: # KUNG dati ay best in attendance lang si Belle rito sa hospital, ngayon ay rito na talaga siya nananatili. She even brought her stuff from school para dito mag-aral. "Belle, you can go home. I can manage myself," sabi ko sa kanya nang pumwesto na siya sa couch para mag-aral. "It's fine, Nathan," nakangising sagot niya. "Para hindi ka rin mabagot dito." Mali siguro na pinaramdam ko sa kanya na interesado ako sa kung ano man ang relasyon namin. Masyado na rin siyang makulit, madaldal at mahilig mag-presinta. Like now, pinauwi niya si Mommy na siyang magbabantay sana sa akin ngayon. Kinamot ko na lang ang likurang bahagi ng ulo ko at muling itinuon ang mata sa telebisyon. Sinulyapan kong muli si Belle na seryosong nagbabasa. May naisip tuloy ako para mainis

