KANINA pa ako sa loob ng sasakyan pero 'di ko pa rin ito pinapaandar. Nag-aalala ako kung nasaan na siya at baka umabot ito sa mga kapatid ko, ano na lang ang sasabihin nina Marco at Ava, at inaamin kong nag-aalala ako kay Belle. "Nakauwi na kaya siya?" tanong ko sa sarili. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nagtipa ng kanyang numero. Are you at home? I sent the message to her number. Ngunit nakailang minuto na ang nagdaan pero walang reply galing sa kanya. "What the hell?" mura ko. "Tulog na kaya siya?" tanong ko ulit sa sarili. Hindi ako sigurado. Baka nahirapan siyang makauwi o... "Oh, s**t!" Na! Imposible. Mag-a-alas nuwebe pa lang at medyo malayo ang biyahe pauwi sa kanila kaya maaring nasa daan pa siya o kakauwi lang niya. "I need to call her..." I dialed her numbe

