Hindi ko alam kung makakahinga ako nang maluwag o panibagong problema na naman ito. Agad akong nakawala kay Barbara kaninang umaga. Alam ko sa sarili na hindi ako ang ama ng dinadala niya. Adik yata 'yon, eh! Her pregnancy was not a big problem, anyway. Ang mas pino-problema ko ngayon ay baka biglang sumulpot dito ang babaeng iyon at ipagkalat ang nangyari sa amin. Hindi naman siguro. Hindi niya yata ako kilala... Pero kahit na! Ayon nga sa ikalabing-isang sugo, thou shalt not confiance. Kaya ang dapat kong gawin ngayon ay umiwas sa media, i-deactivate lahat ng social media ko at walang interview kahit na sino hanggang makalimutan ako ng babaeng. Mahirap na. Lagot talaga sa akin si Ronel! "Saan ka ba pumunta kagabi?" Speaking of the devil. Pumasok ang hayop kong kaibigan sa opi

