"AHHHHHHHHH!" Er! Kay aga-aga kaninong tili ang naririnig ko? Kung makasigaw ay akala mo'y nasunugan ang bunganga! Agad akong bumaba para maalam ang kaguluhan sa baba. Sigurado naman kasi akong hindi si Belle ito dahil parang baka sa lakas ng tinig na par bang isang buong barangay ang makakarinig. "Ano bang kaguluhan 'to, ha?" inis kong tanong nang nakitang nakaupo lamang silang dalawa habang nakaharap sa kanilang cellphone. Manghang napatingin sa aking ang medyo may katabaang katabi ni Belle at eksaheradong tinakpan ang bibig. "Grabe, Ses! Trending ang video mo na, it's really hurts challenge! Nakakatawa iyong aso habang nakaupo sa inidoro. Para siyang tao na pilit sinasara ang pinto," sabi niya. "Talaga? Kaloka, I didn't expect it, Ses!" tumalon-talon na sagot ni Belle. Sino b

