Sa kabila nang pag-amin ko kay Kelvis sa kotse kung bakit ako tahimik. Nagpanggap pa rin akong normal lang ang lahat lalo na't kaharap namin si Debbie. Pansin ko na panay titig si Kelvis sa akin habang ako naman itong hindi makatingin sa kanya. Sa loob ng farm hinayaan namin si Debbie na naglalaro sa mga hayop. She is very bubbly while playing the chicken, the duck the cows. Lahat ng animals rito sa farm pinuntahan namin. Pinapakain rin ni Debbie na labis na ikatuwa nito. Palihim ko namang kinukuhanan ang anak ko ng litrato gamit ang canon. "Debbie, pakainin mo pa ang maliit na baboy, look oh... hungry si little piggy!" tuwang utos ko sa kanya. "Okay po, Mommy!" Saktong nagbubuhos siya ng kakainin sa lalagyan ng mga baboy nakuhanan ko iyon ng litrato. Napangiti naman ako saka ina

