Nakatitig lang ako sa kanya. Ilang beses akong lumunok. Pilit pinasok sa isipan ko ang lahat ng gusto niyang mangyari. Kelvis Rivero, wants me to be his slave? Is he serious about that? Nababaliw na ba talaga siya? Hindi ko makuha kung bakit niya ginawa sa akin ito. Bakit gusto niyang makita na nahihirapan ako. "Hindi ako magiging katulong mo! Hindi!" Panay iling ako sa aking ulo. Tinaas niya ang kilay. Walang emosyon ang mga mata niya. He frown. Pinapakita niyang wala siyang pakialam sa magiging sagot kom Umayos muna siya sa pagkakaupo bago nagsalin na naman ng alak sa baso. Isahang lagok lang ang ginawa niya bago niya ako tiningala. "Don't make it hard for me, Devina. I already told you the consequences." "Gusto mo akong ipahiya? Ipagkalat mo sa lahat na may nangyari sa atin?

