DEVINA SALAZAR'S POV Hindi pa rin ako mapakali habang naghihintay sa pagbalik ni Kelvis. Nakaupo pa rin ako rito sa inidoro. Hinintay kung kailan mawala ang pananakit ng puson ko bago ako makaligo. Ilang minuto pa lang ang nakalipas. Nakabalik na agad si Kelvis. Panay katok siya sa pintuan ng bathroom. "Baby, I buy your important needs. Can you open the door now?" Animo'y nakahinga ako nang maluwag sa pagkat nandito na rin siya. Finally! Tumayo ako para lapitan ang pintuan. Pagkabukas nito, bumungad sa akin ang hinihingal na itsura niya. Pawisan ang kanyang noo. Magulo ang buhok. He's still wearing his blue pajamas and white shirts. Singkit ang kanyang mata sa pagkag bagong gising pa lang ito kanina. Napanguso ako sa pagkat ang gwapo niya pa rin kahit hindi siya nakaayos. He's ju

