"Excuse us... Kakausapin lang namin si Kelvis at si Carmilla. Maiwan muna namin kayo." Nilagpasan kami ng Daddy at Mommy ni Neilson para kausapin na ang VIP guest na dumating sa event. Tumalikod naman ako sa gawi ni Kelvis bago niya pa ako makita. Hinarap ko si Mommy at Daddy na ngayon halatang hindi rin makapaniwala na nakita nila si Kelvis ngayon. Pansin ko ang galit sa mga titig ni Mommy habang si Daddy kalmado lang na napa-iling. Maybe they were worried. "Mom, Dad!" tawag atensyon ko sa kanilang dalawa. Sa akin bumaling ang titig ni Mommy at Daddy. Kumunot ang noo ng ina ko. Tinaasan niya ako ng kilay, halatang nagtatanong sa nangyari ngayon. "Can i talk to you, iha?" tanong ni Mommy.Tumingin siya kay Neilson. "In private," dugtong nito bilang paalam niya rin sa asawa ko. Kin

