Sobrang hirap magpigil ng sasabihin lalo na't may nagsumbong kay Carmilla tungkol sa ginagawa namin ni Kelvis. Sana, matapos na ang trabaho ko na pagsilbihan si Kelvis baka habang tumatagal, mas marami pa ang malalaman ni Carmilla. I don't want that to happen. "Sir Kelvis?" tawag ko rito dahil nitong umaga hindi ko siya nakitang lumabas man lang ng kanyang kuwarto. "Kumain na po kayo." Natapos na lang ako sa pagluto ng breakfast niya. Tapos na rin ako sa paglilinis ng kanyang bahay. Tanghali na lang, hindi ko pa rin siya nakita. Lumamig na lang ang pagkain niya sa ibaba. Kaya dinala ko na lang ang pagkain niya rito sa kuwarto. Baka, tinamad lang itong bumaba. Nakapagtataka lang dahil hindi rin niya ako tinawag gamit ang intercome. Mostly, he always called me in the morning. Ngunit nani

