"Nang malaman ng ama ni Kelvis na hindi mo inayusan ang pag-aalaga sa kanyang anak. Galit na galit siya at gusto ka niyang paalisin sa Hospital na ito. Hindi lang ‘yan. Blocklisted ka na rin sa lahat ng Hospital. Kahit saan ka mag-apply. Hindi ka tatanggapin dahil sa bad record na ginawa mo. I'm really sorry, Devina. But today... You're fired. Kailangan mo nang mag-impake ng mga gamit mo. I can't help you with this." Literal na natigilan ako sa sinabi niya. Halos gumuho ang buong mundo ko. Para akong aatakehin sa puso. Hindi maproseso ng isipan ko ang lahat. Kulang ang salitang gulat sa lahat ng nalaman ko. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong sumigaw at magwala sa mga panahon na iyon. Gusto kong sisihin ang sarili. I'm really stupid! "T-Teka Mrs.Guerrero... t

