"May sinabi ba si Kelvis sa'yo noong araw ng year end party natin?" biglaan kong tanong sa pagkat kuryuso ako. "Wala naman... Kasi bigla lang siyang nawala noong year end party. Kinabukasan niyan nalaman ko na lang na bumalik siya ng United States dahil naka on duty siya noon sa US Army." Tila nakahinga naman ako nang maluwag. Kung ganoon wala talaga siyang sinabi noong araw na may nangyari sa amin? Maski sa pinsan niya? "Why you suddenly asked, Devina? Magkakilala na ba kayo ni Kelvis bago ka pa man na naging private doctor niya?" Nanlamig ang mukha ko sa kanyang tanong. Mabilis ko namang iniling ang ulo. "Hindi... Hindi ko siya kilala. Ngayon pa lang." I lied. Hindi na naging mausisa si Marc sa akin. Pagkatapos noong mag-gabi na. Nagyaya si Carmilla at Kelvis na mag-inom raw s

