"Ayaw kitang makasabay kumain!" pigil ko sa kanya nang pa upo na sana ito sa high chair upang samahan ako sa hapag kainan. Saglit siyang natigilan. Hindi niya siguro inaasahan na sabihin ko iyon.Tinantya niya ang emosyon ko. Nang mapansin niya na seryoso ako sa gusto kong mangyari... "Do you hate me that much?" he sighed heavily. Tinaas ko ang kilay. "Obviously, Do I need to explain myself?" "I have something in return. Hayaan mo akong kumain na kasama ka," he desperately pleaded. "I'm not comfortable around you. Isa pa, di ba noong nasa bahay mo ako. Isang kawawang aso ang pagtrato mo sa akin na palaging sunod-sunuran sa gusto mo? Tinataboy kung kailan mo gusto? At iniinsulto kung may nakita kang mali sa akin? Pati nga sa pagkain, ayaw mo akong makasama noon. So, why are you beggi

