"What the... Bakit pumayag ka sa ganoong stado niyong dalawa ni Kelvis? Baliw ka ba, Devina! Doctor ka pa naman tapos naging fúck body lang ng isang pasyente!" Sermon ni Lylia ang bumungad sa akin nang makipagkita na naman ako sa kanya para mailabas itong bigat sa dibdib ko. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari, maski noong may nangyari sa amin ni Kelvis sa probinsiya,hanggang sa ni-reject ko siya ulit at pinagtulakan palayo. She was very confused of my decision. Alam niya kasi na pihikan ako sa lalaki. "Nadala ako sa emosyon ko... Mahal ko na siya pero wala akong magawa kundi ang hayaan ang sarili na mahulog sa kanya. Alam kong mali, kaya nga tinigil ko na ang ugnayan namin dahil ikakasal na si Kelvis." Hindi ako makatingin sa kaibigan. "Aba'y dapat lang talaga. Unang-una, huwag

