[The Beginning]
Klea's Point Of View
Five years ago I lost my parents. They are both killed. Naiwan kaming dalawa ni Ate na magkasama. Kaya simula non ay si Ate Rhea na ang naging ina at ama ko. She stopped her studies to find job for us. Hindi kami tinaggap ng iba naming relatives.
"Ate, saan na tayo ngayon?" Sabi ko
"Wag kang magaalala ha, hahanap ng paraan si Ate. Magiging okay din ang lahat" Sabi ni Ate at niyakap ako.
3 years ang age gap namin ni Ate. Naglakad lakad kaming dalawa ni Ate sa kung saan dala ang mga gamit namin. Pinalayas kami sa dati naming tirahan. Matapos mamatay sila Mama at Papa ay lumuwas kami pa Manila ni Ate para humingi ng tulong sa mga kamag-anak namin pero di nila kami tinaggap.
Palipat lipat ako ng skwelahan kaya mahirap para sa akin. Huminto kami sa isang boarding house na may karatulang 'Boarding House for Rent'.
"Tao po, Tao po!"
May matandang babae ang lumabas. Kinausap siya ni Ate kung magkano ang renta nila.
"Po, 2000 a month. Ang mahal naman po yata" reklamo ni Ate.
Alam kong kunti nalang iyong pera namin kaya naghahanap kami ng mura lang na mauupahan.
"Ay naku kong mahal pala edi maghanap ka sa iba." Saad ng Ale tapos ay tinalikuran kami.
"Tss akala mo naman kalakihan tong boarding house niya. Bahala ka!"
Natawa nalang ako kay Ate. May pagka sadista pa naman to. Naglakad ulit kami upang maghanap ng marerentahan. May nakita kaming room for rent. Maliit siya pero kasya na sa aming dalawa ni Ate. 1000 a month Lang to pero okay na.
Okay lang din dito dahil malapit sa skwelahan. 2nd year college nako na Nursing ang course. Naisip ko na mag enroll ng scholarship sa school para less gastos. Inayos na namin ang gamit namin sa maliit na kwarto.
Nakahiga kaming dalawa ni Ate sa maliit na kama. Pareho kaming di pa makatulog at nakatingin lang sa kisame.
"Pasensya kana Klea ito lang iyong nakaya ng pera natin e pero wag kang magaalala sa susunod ibibili kita ng malaking bahay na may sariling kwarto" Sabi ni Ate habang kinukumpas ang kamay na parang naiimagine niya.
"Tapos Ate merong pool. Tapos mabibili mo na din iyong gusto mo. At di ka na rin magpapakahirap mag trabaho...."
Tumagilid ako para makita si Ate at ngumiti sa kanya.
"Pag natapos akong mag aral at magiging Nurse nako promise ko sa'yo hinding hindi kana magtatrabaho. I will give anything you want, promise yan"
Niyakap ako ni Ate at hinalikan ang noo ko. Simula nong mawala ang magulang namin si Ate na ang sumalo sa lahat ng responsibilidad lalo na sa'kin. Ayaw kong maging pabigat Kay Ate kaya nagsusumikap akong makapagtapos ng pag aaral.
"Sige. Tutuparin na'tin ang mga promises natin. Pero ngayon tiis tiis muna tayo"
Kinabukasan ay wala na si Ate sa tabi ko at nakita ko nalang na naghahanda na siya ng breakfast namin. I greet her a good morning and help her prepare our breakfast. Kumain na kami tapos ay naligo.
Sasamahan ako ni Ate Rhea ngayon sa bago kong school. Nag take din ako ng online scholarship kahapon at hinihintay nalang ang result. Nagsuot lang ako ng simpleng damit at sabay kaming umalis papuntang school.
Malaki ang University School na pina enrollan ko. Pumunta kami sa registrar at admin office para gawin ang enrollment papers ko. Buti nalang at tinanggap nila ako. Maganda naman ang grades ko at nakakuha din ako ng scholarship.
Like I was expected merong Nursing Uniform dito kaya medyo gastos dahil kailangan ko ulit bumili ng bago. Tapos sobrang mahal din ng libro at laboratories. Pagkatapos mag enroll ay pumunta kami ng Mall ni Ate para bumili ng gamit ko.
Next week na kasi ang pasukan kaya advance habang meron pang pera. Namili kami ni Ate ng mga gamit ko na kakailanganin lang.
"Ay bili tayo ng bagong damit mo, Kleng. Dito tayo, oh" sabi ni Ate sabay hila sa'kin papasok sa isang boutique store.
"Eh, Ate wag na gastos lang iyan e tsaka meron pa naman akong damit don" Sabi ko pero sayang mapilit si Ate.
"Ate, okay lang. Hindi ko kailangan ng bagong damit ipunan nalang natin iyang pera, ha!"
Walang nagawa si Ate kundi pumayag. Pumunta nalang kami sa Food Court para bumili ng pang lunch. Pagkatapos namin kumain ay bumili kami ng cookies and cream na ice cream. Kahit sa ganito lang ay masaya na'ko basta kasama ko si Ate.
Pagkauwi sa bahay ay humiga muna si Ate. Ako nalang ang nag linis ng bahay at nagsaing para di na masyadong mapagod si Ate. Humiga ako sa tabi niya matapos Kong magbihis.
"Klea maiiwan kita dito bukas kasi buong araw akong maghahanap ng trabaho iyong malaking iyong kita"
"Sige po. Pero wag ka masyadong magpapagod Ate, ha"
Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Ate. May breakfast na sa lamesa at may note don na umalis na si Ate para maghanap ng trabaho. Kumain nalang ako tapos ay naglaba at naglinis. Nong matapos ako sa mga gawain ko ay nagbasa nalang ako ng libro na binigay sa'kin dati ng Professor ko.
Malapit ng mag alas syete, nakakain narin ako ng hapunan pero di pa nakakauwi si Ate. Tinuloy ko nalang ang pagbabasa ko habang hinihintay siyang umuwi.
Nagising ako nong narinig ko ang pagbukas ng pinto. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagbabasa at paghihintay. Tiningnan ko ang oras at alas diyes na.
"Ate ngayon ka lang. Kumain kana?"
"Kleng hinintay mo ko? Hays, di mo na dapat ako hinintay matulog kana don"
"Nakahanap ka po ba ng trabaho?"
"Hindi, e. Hindi nila ako tinaggap kasi di ako nakapagtapos ng college. Pero okay lang maghahanap ulit ako bukas"
Napabuntong hininga ako. Ako ang naawa sa kanya. Alam kong gusto niya ring mag aral pero dahil maaga kaming nawalan ng magulang at dahil sa hirap ng buhay kailangan mag sakripisyo ni Ate.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ito lang ang tanging kong magawa para kay Ate ang supurtahan siya at tulungan.
"Asuss! Ang baby Kleng-kleng namin. Sige na matulog na tayo. Bihis lang ako" tumango ako at humiga sa kama
Tumabi naman si Ate sa'kin at agad akong nakatulog.
Ganoon parin ang routine kinabukasan. Maagang umalis si Ate para maghanap ng trabaho at ako naman ang naglilinis, naglalaba at nagluluto para sa'min.
Napaisip ako na pwede akong pumasok as a part timer para sa magiging allowance ko. Kinapalan ko ang mukha ko at kumatok sa kabilang room. College student din ang roommate namin kaya manghihiram ako ng laptop sa kanya.
"Ah sorry sa abala pwede ba akong manghiram ng laptop. Promise sandali lang" sabi ko kay Ate Shiela.
"Ano ka ba oo naman. Sige saglit lang" saad nito at pumasok sa kwarto niya para kunin iyon laptop niya at inabot sa'kin.
"Thank you talaga, Ate Shiela. Ibabalik ko po to mamaya"
Pumasok ako pabalik sa kwarto tapos ay inopen agad ang laptop. Nag search ako ng trabaho na pwede kong apply-an na hindi hassle sa schedule ko. Maraming offers pero hindi pantay sa schedule ko at ang iba ay hindi pasok sa requirements.
Naghanap pa ako hanggang sa may nahanap akong bar na naghahanap ng young servers/waitress. Okay lang kong undergraduate at pang gabi. Swak na swak sa schedule ko to.
Binuksan ko ang page at binasa ang tungkol sa bar. It's a Resillia High Class Bar. Bar ng mayayaman at iba pang elites. Malaki ang sahod kaya okay na sa'kin to.
Kinuha ko ang number nila sa sinave sa cellphone ko na luma na. Pupunta ako dito bukas para mag apply. Napaisip ako kong paano ko ipapaalam to kay Ate.
Bahala na! Kaya mo to Klea!
Binalik ko na kay Ate Shiela ang laptop matapos kong gamitin. Nong gabi na ay di ko na nga hinintay pa si Ate at natulog na. Kinabukasan naabutan ko na natutulog pa si Ate Rhea sa tabi ko.
Nag saing nako at nagluto ng pagkain namin. Nong magising na si Ate ay sabay kaming dalawa na kumain.
"Ate, ahh may sasabihin sana ako" medyo alanganin pako kong sasabihin ko ba.
"Ate gusto ko pong mag part time job tsaka may trabaho po akong nakita. Hindi siya abala sa schedule ko tsaka mataas ang sahod. Pwede na iyon para sa daily allowance ko"
"Magtatrabaho ka? Klea hindi mo naman kailangan iyon e ako na bahala don. Mag focus ka nalang sa pagaaral mo"
Nginitian ko si Ate at hinawakan nag kamay niya. Gusto kong sabihin kay Ate na kaya ko at alam kong makatulong ito sa amin.
"Ate, alam ko pero gusto ko namang makatulong. Don't worry kaya ko 'to. Trust me, Ate. Para din naman satin to"
Napabuntong hininga si Ate at tumango. Malaki ang ngiti ko at napayakap sa kanya.
"Basta pag may masamang nangyari sa'yo hinding hindi kana magtatrabaho hangga't di ka nakapagtapos"
Mabilis akong tumango sa kanya. Alam kong nagaalala lang si Ate sa'kin pero sisiguraduhin ko na makatulong ako sa kanya at di siya masyadong mahirapan. Pagkatapos namin kumain ay umalis na si Ate at ako naman ay naglinis muna bago nagbihis para puntahan iyong bar na pag a-apply-an ko.
Nagsuot lang ako ng pink dress at doll shoes. Hinayaan kong nakalugay ang mataas at kulot kong buhok. Hindi ako masyadong maputi pero di rin maitim, neutral lang. Medyo matangkad din ako kaya dati sa Laguna ay pinapasali nila ako sa mga Beauty Contest.
Naghintay ako ng taxi dahil medyo malayo iyon sa lugar namin. Nakahigpit ang pagkakahawak ko sa sling bag ko at envelope na naglalaman ng paper requirements. First time ko to kaya kinakabahan ako.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa Bar. Pagkapasok ko ay wala pang tao maliban sa staff and crew. Lumapit ako sa sexy na babae sa counter.
"Ah excuse me. Mag a-apply po sana ako"
"Ah okay. Here, follow me"
Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Umakyat kami sa second floor at pumasok sa isang room na may nakalagay na 'manager' sa pinto. Pinaupo ako ng babae doon.
"Hintayin mo nalang si Miss Zolla"
"Sige po. Thank you po!"
I inhale and exhale to calm my nerves. May pumasok na medyo may katandaan ng babae na naka red lipstick at umupo sa swivel chair. Her face is so serious and somehow intimidating.
"So your applying to be a server? Can I see your resume."
Binigay ko agad sa kanya ang papers ko tapos tiningnan ito. Patango tango pa siya habang nakatingin sa mga papel.
"Well, your good. You are a nursing student, I see. So I'm Zollaida Martinez, the manager of Resillia Bar. And you're hired, Miss Gomez"
"Talaga po? Thank you po. Thank you thank you"
Sobrang tuwa ko. Next day na daw ako mag start para maka prepare. May uniform ang ang bar nila at ang oras ng trabaho ko ay 9pm-12pm kaya okay lang. 5000 and sahod ko every month at swerte nalang kung mataas ang tip.
Nilibot muna ako ng babae nakita ko kanina sa counter na ang pangalan ay si Ara na head crew. Sobrang laki ng Bar. May second floor for VIP Areas. May stage na pwede ang band. Malaki ang counter at ang dance floor. Pang high class talaga na Bar to.
Pagkauwi ko sa bahay ay sobrang saya ko dahil meron na akong trabaho. 4 days nalang bago mag sisimula ang klase ko kaya pwede pa. At sa nakagawian hindi ko na hinintay umuwi si Ate.
Sa dalawang araw ay nag advance study, gawin ang gawaing bahay at magbasa ng libro ang tangi kong ginagawa. Si Ate naman ay may trabaho na pero di mo alam kong ano iyon pero hinayaan ko nalang dahil sanay nako. Minsan gabi na siya kung umuwi.
Sa dalawang araw nadin na iyon ay bumili ako ng make up sa Watson's. Sabi kasi ni Ara at Ma'am Zolla na kailangan ko daw mag make up. So I'll learn myself how to put a make up. Nag pa load ako ng 100 para manuod ng videos sa YouTube kung paano ang tamang paglalagay ng make up.
Dumating ang araw na papasok ako sa pagtatarabahuan ko. Ginawa ko na ang dapat kung gawin sa bahay habang hindi pa gumagabi.
Kumain muna ako ng dinner bago naligo at nagbihis. Nagbihis muna ako ng ripped jeans at white T-shirt dahil sa bar pako mag bibihis ng uniform. Don na din ako sa bar mag me make up.
Nagtaxi ulit ako papunta doon. 7:45 pm na nong nakapunta ako ng Bar. Nagpeprepare na ang bar crew at inaayos na nila ang mesa. Marami kaming girls dito sa girls room na halos ka edad ko at server dito.
"Girls ready na kayo" Sabi ni Ate Ara.
Medyo uncomfortable pako dahil dito lang sila nagbibihis. Meron kaming locker dito at binigyan nila ako ng isa. Binigay narin ni Ate Ara ang magiging uniform ko. Napalunok ako Kung gaano ka revealing ang damit. It's a strap tube top na black tapos ay maong shorts.
"Masanay kana. Btw, Jane pala. Ikaw?" Biglaang sabi ng babaeng maputi na may straight na buhok.
"Hehe hi. Klea. Nice to meet you" nag handshake kami tapos nun ay nagbihis na siya.
Kahit awkward ay naghubad na ako. Sinuot ko na iyong uniform namin. Napatingin ako sa kanila at kanya kanya sila ng ayos ng mukha at buhok na parang sanay na sanay na. Kinalma ko ang sarili ko.
Okay lang iyan, Klea. Kaya mo to para kay Ate Rhea.
Kinuha ko na iyong make up kit sa locker ko tapos ay inartehan na ang mukha ko. Tinulungan ako ni Jane sa mata ko dahil medyo mahirap.
"You can comfortably ask us. Tulungan tayo dito" nakangiti niyang sabi.
Kahit paano ay mabuti ang pakikitungo nila sa'kin. Matapos Kong ayusin iyong mukha tapos naman ay iyong buhok. Sinuklay ko lang at nilugay. Ayos na ayos na kaming lahat.
Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang tumatawag si Ate. Mabilis ko iyong sinagot.
[Klea kamusta ka diyan? Did they harass you? Comfortable ka ba diyan?]
"Ate Rhea okay lang ako wag ka masyadong magaalala. Tsaka kong may mang ha-harass man sa'kin lagot sila. Okay lang po ako dito"
[Sige. Magiingat ka ha. Love you!]
Ramdam ko ang paalala ni Ate. Kaninang umaga nga ayaw niya pang pumasok sa trabaho niya dahil nagaalala siya sa'kin buti nalang napilit ko. Natauhan lang ako nang pinatawag na kami ni Ma'am Zolla.
Medyo marami ng tao sa bar at halata sa mga mukha nila ang karangyaan. Medyo nakakabingi din ang stereo na sobrang lakas. Tapos medyo masakit sa mata ang neon lights.
Kinalma ko ang sarili ko bago pumunta ng counter. Naghihintay lang kami dito habang wala pang nag oorder. May tumawag sa'kin sa isang couch kaya lumapit agad ako sa kanila.
"Can we have three tequila and vodka"
"Yes, sir"
Bumalik agad ako sa counter para kunin ang order nila. Binigay ko na sa kanila ang drinks. Aalis na sana ako ng pigilan nila ako.
"Can you sit with us?" Tanong ng lalaking mayaman.
"Sorry sir pero server lang po ako. Excuse me"
Kinabahan ako don. Kumuha pa ako ng mga orders nila. Mas lalong umingay ang lugar nang mag play ang DJ ng nakakaindak na music. Maraming tao ang nagsasayaw sa dance floor.
Lumapit ako sa isang mesa na puro babae ang meron. They order hard drinks kaya kinuha ko agad iyon sa counter. Binigay ko na agad sa kanila ang order nila. They looks so rich and elegant. Sobrang ganda din ng suot nila.
Siguro hindi sila namomoblema sa pera kaya ginagasta nila ito sa bar at kung ano ano pang luho. Napabalik ako sa isip ko ng may tumawag na naman sa'kin sa mesang puro lalaki.
"Miss do you have cigar? Can I have one. Also gin and Jack Daniel"
"Right away, Sir"
Sinunod ko iyong sinabi nila. Habang binaba ko ang mga inumin nila ay biglang sumipol ang lalaki na mukhang lasing na. Napatayo ako agad dahil alam kong malapit ng makita ang dibdib ko.
Aalis na sana ako nang hawakan ng lalaki ang legs ko. Nagitla ako don at nagmadaling umalis don bago ko siya mahampas ng tray.
"Okay ka lang? Patience, Klea. May mga ganyan talaga. Sanayin mo nalang ang sarili mo wala tayong choice e kailangan natin ng pera. E, sila lang naman ang mga taong nagwawaldas lang basta ng pera na sahod natin" bulong ni Jane
Natahimik ako sa sinabi niya dahil tama siya. Ang mga taong to ang nagbibigay ng pasahod sa'min. Bumuntong hininga nalang ako at pilit kinakalma ang sarili.
Umalis muna ako saglit at pumasok sa Comfort Room. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Puno ng make up at masyadong revealing ang damit. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko.
"Para kay Ate Rhea. Tiis tiis lang Klea para to sa future na'tin" kausap ko sa sarili ko pagkatapos ay lumabas na.
Marami na akong oorder na nakukuha at medyo sumasakit na ang paa ko dahil sa pumps. Hiniram ko pa ito kay Ate Rhea kanina. Biglang lumapit sa'kin si Ate Ara.
"Klea ikaw muna mag serve sa VIP Area. May emergency si Josah eh"
"Po, ako po. Ahh oh sige po"
"Don't worry madali lang mag serve sa VIP Area. Nasa second floor iyon. Be nice" tumango ako sa sinabi ni Ate Ara.
Nasa baba lang mostly kami nakabase at pili lang na mga servers ang umaakyat sa VIP Area. Inabot na sa'kin ni Kuya Noel na bartender an tray na naglalaman ng sosyal na alak na di ko alam kong anong pangalan.
Umakyat ako sa taas at may bouncer don na nakabantay. Pinadaan nila ako kaya tuloy tuloy iyong lakad ko. Dim Light lang dito at may mga malaking couch at mini tables. Kitang Kita dito ang nasa baba.
Medyo kinabahan ako kaya medyo nanginginig ang kamay ko na nilagay ang order nila. I tried myself not to bend so much, not to expose my boobs. Apat sila na nakaupo doon at puro sila naka black suit and their aura is usually so intimidating.
"Enjoy your drink, Sir"
Madali akong umalis ngunit napigil din ng tawagin ako ng isang lalaki na naka white polo nalang.
"Yes, Sir. You need anything else?"
"You're not Josah. You're new here?"
"Yes, Sir"
"Okay. Get me one vodka"
Bumaba agad ako para kunin ang order niya. Medyo masakit na talaga ang paa ko dahil di ako sanay mag suo ng pumps. Nilapag ko na ang vodka niya at yumuko ng kunti bago umalis.
Naglakad na ako paalis nang bigla akong natapilok. Imbis na malamig na sahig ang maramdaman ko ay isang kamay ang biglang humawak deritso sa balat ko.
Napatingin ako sa lalaking sumalo sa'kin. Halos manghina ako sa mga titig niya sa'kin. His blue eyes that drowning me and taking my breath away. Hindi ko alam kong bakit ako napatitig sa mukha niya.
Napatayo ako agad ng marealize ang nangyari. Nilamon ako ng hiya at konting kaba.
"Sorry po. Excuse me" mabilis akong umalis don.
Medyo natapilok pako ng kunti dahil sa bilis kong maglakad. Napapikit ako at nakagat ang labi dahil sa nangyari.
Umupo muna ako saglit sa upuan ng counter sa may gilid at hinilot saglit ang paa ko. Nong naging okay na ay sinuot ko na ulit ang pumps ko. Napalingon ako sa VIP Area at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makitang nakatitig siya.
I avoided my gaze coz I'm scared that I won't stop myself from staring at his blue eyes.