Chapter IX Tom's POV Isang linggo ko ng 'di nakaka-usap si Jewel. "Damn it!" mababaliw ako sa kakaisip sa kanya. Patungo ako ngayon sa bahay nila, at sana maabutan ko s'ya, I miss her so much. Ilang minuto lang nakarating na ako sa bahay nila, agad ako bumaba ng kotse at tinungo ang pintuan. I press the doorbell. Hindi naman nagtagal at binuksan ito ng katulong. "Good evening sir Tom, pasok po kayo." Bati sa'kin ni nanay Kresing na matagal ng kasam-bahay nina Jewel. "Magandang gabi rin po nanay, andyan po ba si Jewel?" tanong ko habang naglalakad patungo sa sala. "Andiyan po sir, sandali po at tatawagin ko." Wika nya sa'kin at akma na sana itong tatalikod ngunit pinigilan ko siya. " Nanay papasukin ko nalang po s'ya sa kwarto niya." Suhisyon ko sa kanya at tumango naman ito. Malali

