Chapter 1: Unang araw sa University

1209 Words
Si Daisuke Sato ang masasabing sinumpa dahil simula junior and senior high school binasted na sya ng mahigit 20 mga babae. magtatanong palang kung single si babae ay umiiwas na agad. Minsan iniisip nya panget ba ako? ano bang mali sa sakin? mga tanong ni Diasuke sa kanyang sarili na hindi masagot Wala na syang mga magulang tanging ang lolo at lola na lamang nya ang kasama nya. Ngunit ngayon nasa Hokkaido University na sya ay kailangang nyang pumasok sa apartment, naiwan ang nagsisilbing magulang nya sa Probinsya Unang araw ng pasok ng mga studyante sa Hokkaido University Naglalakad si Daisuke kasama ang kaibigan nyang si Kenji kaibigan nya simula high school papunta sila sa kanilang classroom nang biglang nakasalubong nila ang huling babaeng bumasted kay Daisuke noong High School si Shenami Suzuki, lumapit si Shenami sa kanila subalit si Daisuke "Tol mauuna na ako sayo" sabi ni Daisuke na nagmadali sa paglakad "Sige, kita na lang tayo mamaya" sagot ni Kenji at kinausap si Shenami Mukhang wala nman pakialam si Shenami sa pag alis bigla ni Daisuke dahil ang pakay talaga nya ay si Kenji Napalingon pa si Daisuke, nakita nya ang mahabang maputi na hita ni Shenami, habang nililipad ng kaunting hangin ang palda nito, napalunok na lang si Daisuke sabay nagmadaling umalis Nakayokong ulo na naglalakad si Daisuke naisip nya "Swerte talaga ni Kenji. Kahit nman noong High School lapitin talaga sya ng mga babae" sabi ni Daisuke sabay napangiti na lang para sa kaibigan nya na inulan ng swerte Pagdating ni Daisuke sa kanyang room. unat agad ng noo ang nasalubong nya sa mga bago nyang mga kaklase, hindi na lang nya pinansin at pumunta sa isang bakanteng upuan subalit "May nakaupo na dyan" sabi ng isang babaeng bagong kaklase nya Pumunta sya sa isa pang bakanteng upuan, dahil lalaki ang katabi nya ay hindi na nag reklamo Kinuha nya ang mga libro nya at nilagay sa lamesa nya upang basahin, tahimik syang nagbabasa ng aklat subalit ang ilang mga babae ay mukhang naiirita sa kanya hindi na lang nya pinansin dahil sanay na si Daisuke simula pa noong high school mainit ang dugo ng mga babae sa kanya 10am ng umaga nasa canteen si Daisuke, habang kumakain sya ay sa katabing lamesa nya ay may isang babaeng nagbabasa ng aklat "Kahit dito nagbabasa" bulong nya subalit napalingon ang babae sa kanya "Huh! Ang Ganda" nanlaking mata ni Daisuke ng makita ang kabuuang mukha ng babae "Anong problema?" Tanong ng babae Umiwas na lang ng tingin si Daisuke at pinagpatuloy ang kinakain nya subalit pasimple nyang tinignan ang I.D ng babae para malaman ang pangalan nito "Zoey Tashimaza" sabi nya sa kanyang sarili at pasimpleng palingon lingon sya ng mata sa babae natitipuhan nya Binaba ulit ng babae ang aklat at nakita ulit ni Daisuke ang mukha nito "Anong tingin tingin mo?" tanong ng babae "Pasensya na" na nahihiyang sagot ni Daisuke Ilang segundo lang ay may costumer na kakain kaya napilitan ang babae na umalis lumapit sya kay Daisuke "Pwede akong tumabi?" Tanong ng babae Sa hindi inaasahan ay gulat na gulat si Daisuke na ngayon lamang may babaeng lumapit sa kanya umusog sya at umupo ang babae na daladala ang bag at libro nya Nilagay nya ang bag sa gitna ng upuan at pinagpatuloy na nya ang pagbabasa "Kakaiba sya ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi nairita sakin" sabi ni Daisuke sa kanyang sarili na pasimpleng lingon ng mata sa babae hanggang sa napalingon sya sa baba Halos lumuwal ang mata ni Daisuke ng makita ang maputing hita ng babae, na tuluyan nang namula ang mukha nya sabay iwas ng tingin, buti na lang hindi sya napansin ng babae Pero hindi nakuntento si Daisuke, Paningin lingon ang mata nya sa katawan ng babaeng katabi nya ngayon "Napakaperpekto nya bukod sa napakaganda na nya. Napakaganda din ng katawan nya" na tuluyan nang pinataba ni Daisuke ang mga mata nya Nang biglang humarap ang babae "Waahhhkkk!" Tarantang si Diasuke "Huh? Meron lang akong itatanong, Saan ba ang library dito? Pasensya na bago palang kasi ako dito, Kulang itong aklat na dala ko" Tanong ng babae "Ahhhh deretsuhin mo lang ang daan na yan tapos. makikita mo na dyan" sabay turo ni Daisuke "Salamat" sagot ng babae, tumayo sya at kinuha ang bag nya, lumabas ng canteen Halatang pinagpawisan si Daisuke dahil ito ang unang pagkakataon na may isang magandang babae na kumausap sa kanya na hindi naiirita sa kanya "Kakaibang babae. Tatandaan ko sya, Zoey Tashimaza" Bulong ni Daisuke sabay tayo nya at kinuha ang platong pinagkainan nya, sabay binayaran ang kinain nya Pagkatapos nyang bayaran pagharap nya para umalis ay saktong nabunggo nya ang QUEEN OF CAMPUS na si Kate Takahashi at ang dala dalang juice ay nabuhos sa dibdib nito "HOW DARE YOUU!" galit na galit na si Kate Napangiwi si Daisuke at nataranta sa nangyari takot na takot sya Sa subrang taranta nya tumakbo sya papalabas ng canteen hinabol sya ng ilang kalalakihan subalit hindi sya nahabol Iniwan nya na galit na galit ang Queen Of Campus na si Kate Takahashi 11:30am papalabas na si Daisuke ng University ng biglang may humila sa kanya na isang lalaki dinala sya sa isang sulok Nakita nya si Kate galit na galit "Sa tingin mo ba makakatakas ka sa kahihiyan na binigay mo sakin ah" galit mukha ni Kate "Kate ang mabuti pa turuan na yan ng leksyon, nakakainis pag mumukha nya" sabi nman ng kaibigan nyang si Mika Nang biglang sinikmuraan sya ng lalaking humila sa kanya, sa subrang sakit ay napahiga si Daisuke "So-sorry hindi ko nman sinasadya" na iniindang pagsikmufa sa kanya kasabay sinipa pa sya Unting unting nawala sa mukha ni Kate ang galit habang napapanood nya na nahihirapan si Daisuke sa pag gugulpi sa kanya "Rio tama na yan!" sabi ni Kate Nagulat si Mika sa narinig nya "Ano? anong problema Kate?" Tanong ni Mika, Nakita ni Mika na lumambot ang mukha ni Kate Maging si Rio ay nagulat sa utos sa kanya ni Kate "Tama na yan. Kuntento na ako. Ikaw sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, kung ayaw mong maulit uli sayo yan" sabi ni Kate sabay alis nya Hindi makapaniwala si Mika at Rio "Dati kapag may gusto syang ipagulpi. talagang halos balian kona ng buto para lang makuntento sya. Tapos ngayon, Napakaswerte mo" sabi ni Rio kay Daisuke iniinda ang sakin, na unti unti ng tumatayo matapos sikmuraan at sipain ni Rio "Tayo na Rio" sabi ni Mika subalit iniisip ni Mika na may kakaiba sa lalaking ito dahil, sya palang ang kauna unahang taong pinalampas ni Kate Iniwan nila si Diasuke na nanghihina, paubo ubo pa na iniinda parin ang sakit ng pag sikmura sa kanya Buti na lang dumating si Kenji "Tol anong nagyari sayo?" Tanong ni Kenji "Ah wala nadapa lang ako" sagot ni Daisuke "Hay nako! Hindi ka kasi nag iingat" Sagot ni Kenji Sabay silang lumabas ng compound ng Campus, Dahil kasama nya ang kaibigan nya umaarte na lang si Daisuke, kahit iniinda parin nya ang pagsikmura sa kanya ni Rio Unang araw palang ni Daisuke sa University nasangkot agad sya sa gulo, Ano nman kaya ang papel ng Queen Of Campus na si Kate sa buhay ni Daisuke?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD