Dumating sa Birthday ni Aiko, si Kate Takahashi ang Queen Of Campus, Na talagang kinagulat ni Daisuke, Dahil nagpapanggap si Daisuke na boyfriend ni Kate sa mga magulang nito na magkarelasyon sila ay kinausap ni Kate si Daisuke
Doon nalaman ni Kate na nagpapanggap din na mag kasintahan si Zoey at Daisuke
Saktong narinig ni Hasume Tabioshi ang lahat ng sekreto nila. At para hindi ipagsabi ni Hasume ang lahat ng narinig nya ay humingi sya ng 1 kondisyon, yun ay magpapanggap si Daisuke na boyfriend ni Hasume sa lola ni Hasume na may sakit
Tatlong babae, nagpapanggap na boyfriend nila si Daisuke
Si Kate, Boyfriend nya si Daisuke kapag nandyan ang mga magulang nya
Si Zoey, Boyfriend nya si Daisuke kapag nandyan ang mga kaibigan nya at kaibigan ni Daisuke, at para tigilan sya ng ex nya
Si Hasume, Boyfriend nya si Daisuke sa harap ng lola nya
Ang dating malas sa babae na si Daisuke ay problemado ngayon dahil sa tatlong babaeng biglang pumasok sa buhay nya
Kasalukuyan narin nag uusap si Daisuke, Kate at Hasume
"Kung ayaw nyong ipagkalat ko ang sekreto, Daisuke pumayag kang maging boyfriend ko sa harap ng lola ko" sabi ni Hasume
"Pumayag kana Daisuke. gusto mo bang malantad ang sekreto natin? baka anong gawin sayo ni Mommy at Daddy" Sagot ni Kate
"Sige na nga" sagot ni Daisuke ngunit mukhang napilitan lang
"Akin na ang cp number mo, tatawagan kita kung kaylan tayo pupunta sa hospital, ipapakilala kita sa lola ko" sabi ni Hasume
Ibinigay ni Daisuke ang cp number nya kay Hasume ngunit mukha syang lantang gulay
"Hihi tenks! tandaan mo tumupad ka sa usapan kundi ilalantad ko mga sekreto nyo" sabi ni Hasume at iniwan si Daisuke at Kate na
Bumalik si Kate at Hasume na parang walang nangyari, at ilang minuto lang bumalik narin si Daisuke nakita nyang nanliliit si Zoey dahil dumating na ang ex nya
Tahimik syang tumabi kay Zoey
"Bat ang tagal mo?" tanong ni Zoey
"Ah pasensya na. nahirapan akong hanapin ang banyo dito hehe" palusot ni Daisuke
"Ikaw pala ang girlfriend ni Zoey? Tol ako nga pala si Hiro Yamamoto" pagpapakilala ng ex ni Zoey kay Daisuke
Sa una hindi hindi kilala ni Daisuke subalit ng magpakilala doon nya malaman na ang ex ni Zoey ay isang sikat na basketball player
"Nagbabasketball kaba?" Tanong ng ex ni Zoey na si Hiro ngunit napansin ni Daisuke na iba ang tingin sa kanya ni Hiro tila ba may halong galit
Napalingon ang mata nya kay Zoey na nakayuko ang ulo nakatitig sa baba
"Hindi" sagot ni Daisuke
"Ahhhh? So Anong sports mo? naalala kopa, Noong high school ako, ako ang Ace sa team namin at isang model si Zoey, tapos tudo suport sya sakin. diba Zoey?" tanong ni Hiro sa ex nyang si Zoey
Subalit tahimik lang si Zoey, naramdaman ni Daisuke na mukhang naiilang na si Zoey kaya biglang
"Pasensya na. Pero alam moba ang salitang respeto?" Tanong ni Daisuke na kinagulat ng mga kasama nila
Dahil mukhang nagkakai"Hey Easy lang. Relax lang kayo. Ang mabuti pa tagayan na lang natin yan" sabi ni Kenji habang si Hasume at Kate ay nagulat sa katapangan ni Daisuke alam nilang nagpapanggap lang si Daisuke at Zoey
"Sorry! Gusto ko lang makilala ka" sagot ni Hiro kay Daisuke
"Walang problema, magtanong ka kung anong gusto mo" sagot ni Daisuke nang biglang hinawakan sya ni Zoey sa kamay na talagang kinabigla at kinamula ng mukha ni Daisuke sabay pinatong ni Zoey ang kamay nila sa lamesa
"2 weeks palang kami ni Hiro. Noong una binasted ko sya, ngunit sa huli pumayag na akong ligawan nya ako, hanggang sinagot kona sya sa Hokkaido University din sya nag aaral doon kami nagkakilala" sabi ni Zoey na seryoso ang mukha
Wala nang nagawa ang ex nya kundi
"Ganun ba? masaya ako sa inyo, Tara magpakasaya tayong lahat, Aiko mamaya hihi nasa kotse kopa kasi yung gift ko sayo, happy birthday" nakangiting na si Hiro
"Thenkyou" na mukhang kinilig na si Aiko
Ibinaba ni Zoey ang kamay nila ni Daisuke sabay binitawan. habang si Hasume at Kate tahimik lang na nakaupo, umiinum si Kate ng beer
Inabutan ni Kenji ng isang bote ng beer si Daisuke, at tahimik syang umiinom habang nakikipagkwentuhan si Hiro sa mga kasama nila.
Si Zoey nman ay hindi makaderetso ng tingin
Makalipas ng 20 minutes lasing na si Daisuke, habang si Zoey na hindi umiinom