“Halika ka na at baka tapos na ‘yung inumin mo.” Tumango naman si Christian, at tama nga si Jester, pagbalik nila ay naghihintay na ang strawberry fruit shake niya. Ipinagpatuloy naman nila ang paglalakad. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na nga sila sa mall. Sa pagkakataong ito ay yinaya naman ni Christian si Jester na muli silang magbalik sa arcade. Kaagad namang kumuha si Jester ng mga tokens na kanilang gagamitin sa paglalaro. “Hindi ka ba maglalaro?” ang tanong ni Christian kay Jester na kanina pa abala sa kanyang smart phone na tila ba wala talagang interes sa paglalaro. “Ikaw na lang. Okay na ako rito,” pagtanggi naman ni Jester. “Sino bang kausap mo?” ang sunod na tanong ni Christian. “Ah, mga kaibigan ko lang,” ang tugon ni Jester. “Maglaro ka na muna diyan.” “S-si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


