9 | Malignity in disguise

2170 Words
“A night to offer, sl*ts?” Maarteng naglakad palapit sa bintana ng sasakyan si Stella. “You can't afford my price.” Pangmamaliit nito habang naka-krus ang mga braso. Ngumisi ito. “Dare me to buy your life.” Mayabang na anito. “Swapang. Thirty-five thousands.” Hamon niya saka inilahad ang kamay sa harap nito na para bang naniningil ng utang. Thirty-five thousands?! Talagang may puwake pa?! Sana pala hindi ko nalang siya tinuruan kanina kung ano ang dapat gawin! Tumawa ng nakakainis ang lalaki. Yung totoo, ang sakit sa tenga! “Thirty-five thousands? Are you f*cking kidding me?” Gulat na tanong nito. “Bakit? Hindi mo kaya 'no?” Ngisi niya. Bakas ang panlalait sa tono ng pananalita niya. Teka nga lang, wala naman akong itinuro sa kanyang ganito ah? Nakikinig lang ako pero parang ako yata ang mas nahihirapan sa mga pinagsasasabi nila. Parang mga aso't pusa! Baka 'pag natuloy ang usapan nila ay magbangayan parin sila habang nagtutuhugan! “Thirty thousand it is!” Bulalas nito habang ikinukumpas sa ere ang isang kamay. Napairap ako sa kawalan. Kuripot. “Ang sabi ko ay thirty-five thousands! Bingi ka ba? O sadyang hindi mo kaya?” Ang sarap din sabunutan ng isang 'to eh! Ang sabi ko ay sulsulan niya, hindi ko sinabing awayin! Parang tanga lang eh! Kahit ang mga babaeng naghihintay din ng mahuhuling isda ay nakatingin na rin sa gawi namin. Paniguradong pinagtatawanan na nila ngayon ang bruhang 'to! Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi ko naman makita ang ekspresyon ng bruha dahil nakatalikod ito sa akin kaya't tiningnan ko ang itsura ng lalaki. At base sa itsura nito ay naglalabanan sila gamit ang naninindak na mga tingin. Eh, kung pag-untugin ko nalang kaya ang mga ulo nila sa isa't isa?! Nagpakawala ako ng naiinip na singhal nang sa wakas ay kusang sumuko sa titigan ang lalaki. Sa wakas! Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Stella. “Thirty-five it is!” Pagsuko nito. “Yun naman pala eh!” Nakangiti niyang bulalas saka nagmamalaking sumipol. Nanlaki ang aking mga mata at kalaunan ay kumurap-kurap ng ilang beses. Iiwan niya ako dito?! “Hoy! Iiwan mo ako?!” Bulalas ko dahil sa pagkabigla dahilan upang agad itong mapalingon sa aking gawi. Kumurba ang isang makahulugang ngisi sa kanyang labi saka dahan-dahang naglakad palapit. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg, ... ambaho Napakislot ako nang makaramdam ng kaunting kiliti. “Pagbigyan mo na ako, beh. Babalatuhan nalang kita.” Bulong niya sabay hagikhik. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh, laki sa layaw 'to! “Hintayin kita dito.” Maikli kong tugon. Mahina ko siyang itinulak at pinandilatan ng mga mata na parang sinasabing 'Subukan mong hindi tumupad sa usapan'. Tumango siya ng dalawang beses, biglang naging isang maamong tupa. “Wish me luck.” Aniya sabay kindat at talikod saka mabilis na naglakad palapit sa itim na kotse. Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob nito ay agad na itong nagmaneho paalis. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Biglang pumasok sa isip ko ang nangangaral na boses ni Lola Gen at ang tiwalang ibinigay niya sa akin. Haaayy. Sorry, La. Yung apo mo po kasi. Umayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader at tumingin sa waiting shed na ilang metro lamang ang layo mula sa pwesto ko. Alam kong mangangalay pa ako sa kakatayo sa kakahintay dahil paniguradong matagal pa iyon masyado kaya napagdesisyunan ko na muna na tumambay roon. Nakaka-dalawang hakbang pa lamang ako nang may biglang pumara na isang magarang itim na sasakyan sa aking tabi. Balak ko sana itong baliwalain at magpatuloy sa paglalakad ngunit awtomatikong tumigil sa paghakbang ang aking mga paa nang bumaba ang bintana ng kotse. Kusa akong napatingin sa taong lulan nito. Buong pagtataka ko itong tinitigan nang bumaba ito mula sa sasakyan at tuwid na naglakad palapit sa aking kinatatayuan. Akmang tatakbo na ako nang maisip ko na baka kidnapper ito, ngunit agad ding umurong ang ideyang iyon nang mapagtanto ko na imposibleng mangyari iyon. Una, mag-isa lang siya kaya walang tutulong sa kanya oras na magpumiglas ako kapag nagkataon. Pangalawa, halatang yayamanin 'to dahil sa mamahaling sasakyan at ang ganda ng tindig. Pangatlo at panghuli, sobrang kalmado niya maglakad. Wala naman sigurong mandurukot na sobrang chill kung kumilos ano? Tsaka kung kidnapper siya, edi sana ay nakatakip ang buong mukha niya ng itim at hindi naka-shades! Gayumpaman ay umalerto parin ako sa maaaring mangyari. Baka mamaya ay nagpapanggap lamang ito para mas madaling makapang-biktima! “Anong kailangan mo?” Seryuso kong tanong nang mismong tumigil ito sa aking harapan. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa matinding kaba anumang oras. “I wish to buy your night.” Seryusong turan nito, walang bakas ng pagsisinungaling ang boses nito. Napataas ang aking kilay sa narinig. Parang nagpintig ang aking tenga, ano bang tingin niya sa akin? Basta-basta lang nakukuha sa pera? Aaminin kong nagawa ko nang ibenta ang katawan ko ng isang beses, ngunit yun ay dahil wala na akong ibang maisip kundi kumapit sa patalim. “Anong katangahan ang meron ka para isiping papayag ako?” Galit kong tanong. Mas lalo pang tumindi ang inis na nararamdaman nang ngumisi ito. Akmang tatalikod na ako upang layasan ito nang magsalita itong muli. Ngunit hindi ko inaasahan ang sinabi nito, naramdaman ko ang matinding desperasyon na lumukob sa aking isip. “Sixty thousand pesos. Those other whores might want this too.” ••• “Hoy! Ano ba buksan mo 'tong pinto!” Sunod-sunod kong kinalabog ang pinto, mamula-mula na ang kamay ko sa kaka-hampas pero wala paring nangyayari. Kung gaano kalakas ang paghampas ko sa pinto ay siya ring kalakas ng kalabog sa dibdib ko. Tarantadong yun! Sinasabi ko na nga ba, may masamang balak talaga iyon sa akin! Halos mapaiyak na ako sa aking kinatatayuan. Pumikit ako ng mariin at tahimik na nagdasal na sana ay walang masamang mangyari sa akin. Pinauna ako ng gagong iyon sa pagpasok habang siya naman ay nasa likuran ko. Ang akala ko ay susunod ito, ngunit nang makapasok ako ay laking gulat ko nang kusa nitong isinara ang pinto. Bwisit naman oh! Mamaya miyembro pala yun ng s*ndik*to! Jusko po! Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod ngunit sinikap ko paring tumayo. Unti-unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata. Ni wala akong maisip na paraan kung paano ako makakalabas dito at kung paano ako makakaligtas sa maaring gawin sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang may biglang nagsalita sa loob ng malaking kwarto. Naalerto ang buong sistema ko, gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. “S-sino ka?” Sinikap kong huwag ma-utal at magmukhang matapang ngunit nabigo ako. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa lalaking nakapade-kwatro ng upo sa malaki na puting kama. Wala itong suot na pang-itaas kaya't kitang-kita ang mabuhok at maskuladong dibdib nito. Malapad ang balikat nito na mas nagpadagdag sa nakakaakit nitong itsura. Makakapal na mga kilay, matangos na ilong, mga labing sing-pula ng pulang rosas, at ang mga mata nitong sing-itim ng gabing walang buwan na kung tumitig ay tagos hanggang buto't kalamnan. Mariin itong nakatitig sa akin na animo'y hinuhukay ang aking buong pagkatao. “Already forgotten what you came here for?” Tanong nito sa bruskong tinig. Mapait akong napangiti sa kanyang tanong. Ang kaninang matinding takot na naramdaman ay napalitan ng hindi mapangalanang emosyon. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may iba pa siyang nais iparating sa kanyang sinabi. At hindi ko maiwasang mapatanong kung kasalanan ko ba? “Are you mute? Must I answer my own question for you?” Naglalaro ang isang pilyong ngisi sa mga labi nito. Sandaling niyakap ng katahimikan ang buong paligid, nakatingin lamang ito sa akin na para bang hinihintay akong pahintulutan siya. “All right. So, you came here for money and f*ck.” Nakangising turan nito, gumalaw-galaw ang kanyang mga balikat nang mahina niya akong pinagtawanan. Gusto ko siyang sigawan at ipamukha sa kanya na nagkakamali siya, ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na kahit papaano ay tama siya. Nandito ako dahil gusto ko ng pera... kailangan ko. Napatingin ako sa ibang direksyon, hindi ko na kayang tagalan pa ang mga titig niya dahil tila isinisigaw ng kanyang mga mata ang katotohanan. Katotohanang isa lamang akong b*yaran. “Hindi ko na kailangan ng pera mo, palabasin mo na ako dito.” Matapang kong utos sa kabila ng nanginginig na mga tuhod. Hindi ko alam kung bakit ngunit para bang may nararamdaman akong... kakaiba. Ngunit hindi ko matukoy kung ano. At parang... nakita ko na siya dati. Mas lalong lumapad ang kanyang nakakasindak na ngisi. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, napalunok ako ngunit tila natuyo ang aking lalamunan nang malaya ko nang makita ang buong katawan nito. Tila nakakalula ang taglay nitong katangkaran at laki ng pangangatawan. “Trying to order me, huh?” Napahakbang ako paatras ng isang beses nang magsimula itong humakbang palapit. “Diyan ka lang.” Naghanap ako ng malapit na pwedeng magamit sakaling may gawin siyang masama. Ngunit wala akong makita na pwedeng panghampas maliban sa parang ilaw na iyon na kadalasan kong nakikita sa kwarto ng mga mayayaman sa mga palabas na pinanuod namin ni Stella noon, ngunit malabo ko iyong makuha dahil nasa tabi ito ng kama na ilang metro ang layo mula sa aking kinatatayuan. Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin ngunit sinuklian niya lamang ito ng mahinang tawa. Ni walang katiting na pagkasindak ang mababakas sa mukha nito. “Huwag kang lalapit!” Hindi ko na napigilan pa ang mapasigaw dahil sa matinding takot, lalo na sa tindig nito na tila walang kinatatakutan. Ano nga ba ang laban ko sakanya? Paniguradong hindi ako nangalahati sa lakas niya. “Don't worry, slut. I don't bite,”sandali itong huminto saka ngumisi. “... but I sure eat.” Patuloy nito habang pinapasadahan ng isang malagkit na titig ang aking katawan, mula ulo hanggang paa. Napako ang kanyang tingin sa isang partikular na parte ng aking katawan. Umangat ang sulok ng kanyang mga labi. Nakita ko ang pagtaas-baba ng umbok sa kanyang lalamunan. Dalawang hakbang nalang ang layo nito mula sa akin. Inipon ko ang lahat ng natitira kong lakas ng loob, mariin kong ipinikit ang aking mga mata. “Anong kailangan mo?” Mahinahon ngunit matigas na tanong ko, bakas ang matinding kagustuhang malaman. Simula kanina ay alam ko na na may kakaiba. Imposibleng nagkataon lamang ito dahil una sa lahat ay bakit kinailangan niya pa na mag-utos ng ibang tao para bilhin ang serbisyo ko ng isang gabi. Pangalawa, alam kong ako talaga ang sadya ng tau-tauhan niya dahil sa dinami-rami ng pwede niyang pagkainteresang babae ay ako pa talaga na baguhan lamang sa gawaing 'to kompara sa mga babaeng b*yaran na higit na magaganda ang katawan at eksperto na. Pangatlo, malakas ang pakiramdam ko na kilala niya ako base sa kung paano siya tumingin sa akin. Gayunpaman ay pilit kong iwinawaksi sa aking isip ang ideyang iyon dahil imposibleng pag-interesan ang babaeng tulad ko, dahil sino ba ako? Wala. “Your body... worthless woman.” Malamig nitong tugon nito saka tuluyang tinawid ang distansya namin sa isa't-isa. Halos isang pulgada na lamang ang pagitan namin sa isa't-isa, ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang hubad na itaas bagaman malamig ang kwarto. Kung nagkataong magkasing-tangkad lamang kami ay paniguradong kaunting maling galaw ay magtatagpo ang aming mga labi. Mabuti na lang dahil hanggang dibdib niya lamang ako, kaya dinig ko ang kalmadong pagtibok ng puso nito. Ang kaninang nanunudong ngisi ay napalitan ng isang madilim na ekspresyon. Ang itim nitong mga mata ay nangungusap, nananahan roon ang isang repleksyon na hindi ko mawari kung ano. Sigurado akong ngayon ko pa lamang nakita ang lalaking ito, pero bakit parang pamilyar ang pakiramdam? Na para bang matagal ko na siyang kilala? Hindi naman siguro ako nababaliw, diba? Gusto kong umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang kanyang titig, ngunit para bang nanghihipnotismo ang kanyang mga mata dahil kahit anong pilit ang gawin ko sa aking sarili ay hindi ko magawa. Labis-labis ang pagkabigla ko nang mas lumapit pa ito kaya awtomatiko akong napahakbang muli ng paatras at muntik pa akong mawalan ng balanse kung hindi lamang sa magkabila nitong matitigas na braso na bigla nalamang itinukod sa pinto. Halos pigilan ko ang aking sariling paghinga nang bahagya itong yumuko upang magpantay ang aming mga mukha. Akmang aatras ako ng mapagtanto na wala na akong takas pa dahil nakasandal na ang likod ko sa pinto dahilan upang mas lalong maghuramentado ang pagtibok ng aking puso. Muling umangat ang isang sulok ng labi nito saka unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Gusto kong iiwas ang mukha ngunit kusa rin akong kinontra ng sarili kong isip nang biglang bumaba ang aking tingin sa kanyang mapupulang mga labi. “Thirsty?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD