7 | Outfit

2053 Words
“Excuse me.” I excused myself when my phone suddenly rang. They all nodded at me and smiled. I gestured Eloiza to stay and continue talking with them. I looked at the screen. I frowned the moment I saw the caller's contact name. “Any report?” I asked nonchalantly as soon as I answered the call. I heard his faint deep sighs as if something is off, I felt a confused feeling deep within me. I know that something is wrong, he is the most expert agent that I hired among all of my men and he never failed to do impress. “What is it, Max?” I looked around the surrounding and made sure that no one can hear us. “Boss, I already know who the woman was with during that time.” He answered, voice dulled a little. Few days ago, he reported to me that he saw the target coming out of a luxurious car and entering a luxury hotel with a man. But, he didn't saw the man's face clearly because it was wearing a cap, shades and facemask. I thought the man was just being cautious that someone might see him with another woman, because a man will always be a man. It's obvious that he's sort of hiding from someone, afraid that someone might caught him off guard. But a part of me was telling me something I cannot figure out. Hence, I ordered Max to follow the man and gather information about him including his relationship with the target. I don't care about whom that woman wants to screw with, my only concern is to make her life more than how they made my life miserable. I'm just afraid that I might have to kill someone who would dare to interfere, with bare hands. “Spill it.” “The man was non other than Mr. Marco Thompson.” He informed problematically. I paused a bit. Small world, huh? The information just made me a bit curious. Whom and what was he trying to hide from? Wife? Or... ... reputation? The ladder, could be? Ugh, his poor crazy wife ...plus his spoiled brat niece. “And their connection?” I asked. I am hundred percent certain that they are not related to each other by blood, because if so, then Eloiza and her should be at the same bloodline too? And why would they enter a hotel together and stay in one room if they are really related to each other? To screw? What a gross f*ck! “They don't have any connection, Boss.” Uhuh? I waited for him to continue. My instinct is right. Life status: Proud. “The target is a prostitute, Boss.” Woah! Like mother, like daughter indeed. I smirked devilishly. “You know what to do. Tomorrow evening, quarter to eight.” A demonic grin appeared on my lips. Just that and I ended the call. Hmm. It just made me curious. How does she tastes like? ••• Astrid's POV “Ito nalang kasi!” “Hindi nga pwede, diba? Masyadong maiksi yan, kaunting galaw mo lang ay paniguradong kita na ang madilim na kalikasan.” Tutol ko habang nakahalukipkip sa tabi ng kama. Mas lalo lamang bumusangot ang kanyang mukha sa aking huling sinabi. “Tsaka, gusto mo bang magduda sa'tin si Lola Gen? Paniguradong hindi tayo papayagan nun kapag nakita ka niyang ganyan ang suot. Masyadong ladlad. Halatang magpapatusok.” Dagdag ko. Kanina pa kami nagtatalo kung ano ang susuotin niya. Kanina pa din niya ipinaglalaban ang isang kulay maroon na hapit na hapit sa kanyang katawan at halos makita na ang kanyang pang-upo dagdag pa dahil malalim ang likod nito kaya't masyadong exposed ang likod niya. Pilit kong pinasusuot sa kanya ang isang simpleng t-shirt na kulay lila at may maliit na bulsa sa kaliwang bahagi sa may bandang dibdib, at isang high-waist pants na kulay puti. Pero sadyang matigas ang ulo ng isang 'to dahil pinagpipilitan niya parin ang gusto niya. Maaga pa ako pumunta dito sa kanila, pagkatapos na pagkatapos mismo ng lahat ng mga gawain sa bahay, halos kagigising pa nga lang nun ni Debs. Heto't malapit nang mag-alas onse pero stock parin kami sa pagpili ng susuotin niya. Ang totoo, wala naman talaga akong balak na ituloy ang gusto niyang gawin namin, plano ko talagang paniwalain siya ngayon na tutuloy nga kami at didiskarte nalang ako mamaya kung paano ko siya lilibangin para mawala sa isip niya ang kagustuhang matuhog. Sinong baliw ba naman kasi ang magbebenta ng sariling laman, hindi para sa pera kundi para sa sarap?! Tsaka, hindi naman kasi ako ganun kasamang kaibigan para pumayag ako sa gusto niya. Dahil higit sa lahat ay ako ang pasimuno nito, kung mas pinili ko nalang sana na magsinungaling ay baka hindi nabuhay ang kuryusidad ng bruha na 'to tungkol sa usaping iyon. “Ihhh! Ako na bahala magpalusot kay Lola para hindi niya tayo mabisto. Tsaka alam naman kasi ni Lola na mahilig ako sa mga gantong damit, nasanay na yun sakin.” Determinado niyang sabi habang hawak-hawak parin ang maiksing damit at paminsan-minsan ay iwinawasiwas ito sa ere. Napailing ako ng ilang beses at napahawak sa sentido. Kung ako nga na bata pa ay na-ii-stress na sa kagagahan nito ay paano pa si Lola Gen na matanda at kukuba-kuba na? “Gwynth Marestella Nuevo.” Tawag ko sa kanyang buong pangalan na kadalasan kong ginagawa sa tuwing sumasakit na talaga ang ulo ko dahil sa mga kagagahan niya, na nagaya ko lamang kay Lola Gen. Epekto naman ang ginawa ko dahil tumigil nga siya sa pagdadabog, bagaman naroon parin ang busangot na mukha. “Makinig ka sakin. Gusto mo bang atakihin sa puso ang Lola mo lalo na kapag malaman niya kung saan talaga tayo pupunta at kung ano ang eksaktong pakay natin roon?” Pangungumbinsi ko sa kanya. Alam ko naman na mahal na mahal niya si Lola Gen sa kabila ng pagiging pasaway niya at palaging binibigyan ito ng sakit ng ulo. Lumambot ang kanyang ekspresyon. Padaskol siyang naupo sa upuang gawa sa kahoy na nakaharap sa kinatatayuan ko. Halatang nakonsensya siya sa sinabi ko. “Sige na nga!”Pagsuko nito saka nakahalukipkip na tumingin sa ibang direksyon Ipinagkrus niya ang mga braso. “Parang tanga naman 'to eh, ang hirap kayang maghubad kapag naka-pants. Buti sana kung ito nalang, madaling hubarin!” Seryusong turan nito. Halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig iyon. Muntik pang mabali ang leeg ko dahil sa biglaan kong pagkingon sakanya. Tar*antado talaga amp*utek! Pinanlisikan ko siya ng mga mata habang hinihimas-himas ang may bandang leeg ko. “Oh, bakit?” Inosente nitong tanong nang makitang masama ang titig ko sakanya. Yung totoo, may nunal na ba loob ng utak nito?! Alam ko naman na ganito na siya noon pa, pero bakit parang lumala naman yata masyado! Nagbuga ako ng problemadong buntong-hininga saka napahilamos ng mukha. “Wala, may nakita lang akong masarap yakapin...” Tugon ko saka nagsimulang maglakad palabas ng silid. “...sa leeg” Bulong ko na sakto lamang para umabot sa kanyang pandinig. Agad kong isinarado ang pinto at mabilis na bumaba ng hagdan. Hayy! Kaya ayoko talaga na lagi kaming magkasama eh, kasi paniguradong madali akong tatanda at mas mapapadali pa ang permanenteng pahinga. Nadatnan ko si Lola Gen sa kusina na kasalukuyang tinitikman ang niluluto niyang adobong manok. Abalang-abala ito sa ginagawa kaya hindi man lang nito namalayan ang paglapit ko dahil nakatalikod siya sa aking direksyon. “Ano po yang niluluto mo, Lola?” Tanong ko nang tuluyang makalapit kahit pa alam ko naman na kung ano. Halatang nagulat siya ng kaunti sa biglaang pagsasalita ko. “Ikaw talagang bata ka! Ang hilig mo talagang manggulat!” Natatawang bulalas nito habang nakahawak sa may bandang puso saka mahinang pinalo ang aking braso. “Ikaw kasi Lola, eh. Masyado kang seryuso diya, eh pwede ka naman pong magpatulong samin.” Pabiro kong saad. Bahagya kong sinilip ang kanyang niluluto. Nalanghap ko ang amoy nito kaya agad akong nakaramdam ng gutom. Amoy palang, masarap na. Gumuhit ng matamis na ngiti ang kanyang mga labi, ngunit isang pamilyar na anino ng lungkot ang nakaguhit sa kanyang itim na mga mata.“O'siya, total ay nandito ka na rin naman, tulungan mo nalang akong tikman ito. Matanda na ako kaya medyo wala na akong tiwala sa panlasa ko.” Ngiti nito saka inilahad sa aking harapan ang hawak na sandok. Agad ko naman itong kinuha at kumuha ng kaunting sabaw sa kumukulong ulam. Hinipan ko muna ito bago sinimulang tikman, at habang ginagawa ko iyon ay nakita ko mula sa gilid ng aking mata ang kanyang mukhang may nakaukit na hindi mapangalanang klase ng lungkot. Nang matapos ay ibinalik ko ito sa kanya nang may ngiti sa labi na para bang wala akong napansing kakaiba. “Oh, ano? Masarap? Tama lang ba ang timpla?” Sabik nitong tanong habang nakatitig sa akin. Nakangiti akong tumango ng tatlong beses bilang tugon. “Sobra po. Galing mo talagang magluto, La!” Papuri ko na ikinalaki naman ng ngiti nito. Agad na naglaho ang lahat ng pag-aalinlangan sa ekspresyon nito na para bang malaking bagay para sa kanya ang sinabi ko. Palihim kong tinitigan ng maigi ang kanyang itsura. Wala naman akong napansing kakaiba sa kanyang itsura. Pero bakit parang pakiramdam ko e meron? At yung nakikita kong lungkot sa mga mata niya sa tuwing palihim ko siyang tinititigan. Parang mas lumala lang yata ngayon. Sigurado naman ako na hindi ako nagha-hallucinate dahil nag-agahan naman ako kanina bago ako pumunta dito? O di kaya masyado lang talaga akong nag-iisip ng kung ano-ano? “O, nasaan na ba yung kaibigan mong iyon?”Usisa nito nang mapansing ako lang mag-isa at walang maingay sa sala. “Nasa taas pa po pero pababa na rin yun. Nagpapalit lang po yata ng damit.”Sagot ko habang naka-krus ang mga bisig na nakasandal sa pader na naghihiwalay ng kusina at sala. Umiling ito ng ilang beses nang may maaliwalas na ngiti sa labi.“Ang batang iyon talaga. Parang pagong kung kumilos. Manang-mana sa ina...” Turan nito, may bahid ng lamlam ang boses nito. Dati pa ay alam ko na na may hindi pagkakaunawaan sila ng mama ni Stella dahil sa palaging iniiwasan ng bruha na yun ang mapag-usapan ang kahit na anong tungkol sa mama niya tuwing malapit si Lola Gen. Pero kailanman ay hindi ako nangahas na alamin kung ano ba ang nangyari. Ang tanging alam ko lang ay mag-aapat na taong gulang palang si Stella nang magtrabaho sa ibang bansa ang mama niya. Ni pangalan nun ay hindi ko alam. Simula daw noon ay hindi na ito umuwi dito sa Pilipinas, nag-kakausap lang daw sila sa video call. Napatitig ako kay Lola Gen ng sobrang tagal, natauhan lamang ako nang magsalita ito. “Alam mo ba? Kuhang-kuha ng kaibigan mo ang itsura at pangangatawan ng Mama niya. Pero alam mo kung ano ang namana niya ng sobra?” Kwento nito sa mahinang boses, ingat na ingat na baka biglaan lamang sumulpot ang kanyang apo. Paminsa-minsan ay sumusulyap din ito sa aking likuran upang siguraduhing wala pa ito. “Ano po?”Sabik kong tanong. “Ang katigasan ng ulo at pagiging makulit!” Natatawang bulalas nito. Muli nanaman itong umiling ng ilang beses. Mahina rin akong natawa. “Lola, pwede po bang magtanong?” Ngiti ko. Tumango ito ng dalawang beses saka sinenyasan ako na magpatuloy. Humugot muna ako ng malalim na hininga, inihanda ko ang sarili para sa maaari nitong maging reaksyon. “Ano po bang nangyari sa Mama at Papa ni Stella?” Nag-aalinlangan kong tanong. Napalunok ako ng ilang beses ngunit tila nanuyo ang aking lalamunan nang sa wakas ay lumabas iyon sa aking bibig. Abot langit ang kaba ko dahil sa ilang taon kong pagiging malapit sa kanila ay ito ang unang beses na naglakas-loob akong itanong iyon. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa utak ko at sa dinami-rami ng pwede kong itanong ay iyon pa talaga! Ngunit laking gulat ko nang ngumiti lamang ito at tumigil sa ginagawa na animo'y inaasahan niya na ang tanong na iyon. “Ganito kasi iyon...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD