ALFRED'S POV " Mukhang tinamaan kana sa bagong kasama nina Lydia ha? " Panunukso ng pinsan ko. Natawa ako habang nag lilinis ng sasakyan. " Na love at first sight ata ako. " Pag amin ko dito. Napa halakhak naman ito at lumipat sa'kin. " Delikado yan par, baka may boyfriend na yon. Magugulat nalang ako at may pasa kana sa mukha dahil sinuntok ka ng boyfriend. " Saad nito. Mas lalo akong napangiti dahil alam kong wala siyang boyfriend. " Walang boyfriend pre. Safe na safe. " Maangas kong saad. Puno ng pagtataka akong tiningnan ng pinsan ko. " Paano mo nalaman? Pumorma ka na? " Usisa nito. Umiling ako. " Narinig ko kasi ang usapan nilang tatlo noong nakaraang araw, tinanong nila si zephyr kung may boyfriend siya at ang sagot naman niya ay wala. " Pag kwento ko. Pumalakpak

