AMANDA'S POV " Kumusta na si Lola? " Diretsyong tanong ko Kay zephyr. Dalawang araw na nakalipas simula ng isinugod ito dito sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa ito pina payagan ng doctor na umuwi.. " Under observation pa daw. Kapag naging okay na si Lola mamaya ay pwede na daw siyang iuwi. " Sagot sa aking ng kaibigan ko. Gumala ng paningin ko sa paligid at bahagya ng taka ng hindi may makita akong mga prutas doon. Nasa loob iyon ng Isang hindi gaano kalaking basket. " Galing kay mayor? " Tanong ko na hindi tumitingin kay Zeph. " Oo. " Mahinang sagot niya sa'kin. Binuksan ko iyon at agad na kumuha ng dalawang piraso ng grapes. " Pahingi ako ha? Nagutom ako bigla. " Usal ko.. Sa loob ng dalawang araw ay lagi kong nakikita si mayor dito, at himala na wala siya dito ngay

