HIDDEN DESIRE
ZEPHYR'S POV
" Lola pupunta kayo sa clinic?" Tanong ko kay Lola bibing ng makita ko itong naka ayos.
Lumingon ito sa akin na may malaking ngiti sa labi.
" Oo apo. Sinabihan ako ni kapitan Richard na pumunta sa clinic kasi nandoon din daw si mayor. Samahan mo ako?" Magiliw na saad nito.
Ngumiti ako at nilapitan siya.
Simula ng mawala ang mga magulang ko ay siya na ang kasama ko. Siya nalang ang natitira Kong kamag-anak. Hindi ko din naman alam kong may relatives pa ba ako, dahil wala naman akong nakikitang dumadalaw sa amin.
" Oo naman po. Hindi naman pwedeng kayo lang ang pumunta doon. Gusto ko din makita si mayor. " Nakakalokong saad ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Lola.
" Crush mo si mayor?" Tanong nito sa'kin.
Mas nilakihan ko pa ang ngiti ko. Napa hawak ako sa aking tagiliran ng mahina iyong kurutin ni Lola.
" Lola naman." Nakangusong saad ko habang iniinda ang pag kurot nito sa aking tagiliran.
" Unahin mo muna ang pag aaral mo zephyr.. wag muna ang ganyan." Saad nito.
Mas humaba ang nguso ko dahil sa sinabi nito.
" Lola crush lang naman." Pag kukumbinsi ko sa kanya.
" Ewan ko sayong bata ka. Kapag talaga nag boyfriend ka, kukurutin ko yang tagiliran mo hanggang sa matanggal." Saad niya.
Napangiwi ako dahil sa sinabi nito ngunit agad ding natawa.
" Yes boss. Crush-crush lang po. Normal lang naman yong crush Lola. Paghanga lang naman." Paliwanag ko sa kanya.
Nag lakad ito papunta sa kusina at pinatay ang stove at muli akong tiningnan.
" Alam mo apo. Dyan nag sisimula lahat sa crush, baka magulat nalang ako may boyfriend kana." Asik nito.
Mapaisip tulog ako. Nakita kong kumunot ang noo niya na pinapanood akong kunwaring nag iisip.
" Parang malabo din namang patulan ako ni mayor lola. Masyado siyang gwapo para sa akin. Ayaw ko magka boyfriend ng sobrang gwapo. Baka ikamatay ko iyon." Nakangising saad ko.
Bumuntong hininga si Lola bibing at inirapan ako.
" Ang sama mo naman Lola. Wala man lang ka support-support." Reklamo ko.
Tinalikuran niya ako at nag lakad palabas ng bahay kaya sinundan ko siya kaagad.
" Ewan ko sayo zephyr, aatakihin ako sa puso dahil dyan sa kakulitan mo." Saad nito habang patuloy sa paglalakad.
Tumatawa akong sinusundan siya. Nag lakad lang kami papunta sa clinic dahil malapit lang naman iyon sa bahay.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa clinic. Sinuri ko ang paligid at napanatag naman ako dahil hindi ganon karami ang taong nandoon. Hindi na kailangan makipag siksikan.
" Maayong buntag Lola bibing." Bati ng kung sino.
Lumingon ako sa bandang likuran namin at nakita ko si kapitan Richard na nakangiting nakaharap sa amin ni Lola.
" Maayong buntag kap. Wala po ata masyadong tao?" Saad ko dito.
" Alam mo namang iilan lang ang tao dito sa Lugar natin zephyr. At mabuti na din iyon para hindi na mag siksikan ang mga tao dito sa maliit naging clinic. " Nakangiting sagot niya sa akin.
Gwapo din naman itong si kapitan, naging crush ko din siya noon. Nag bago lang iyon ng makita ko si mayor Diego.
" Kumusta na kayo Lola bibing? Hindi naman na siguro kayo sinusumpong ng asthma niyo?" Tanong nito Kay Lola na ngayon ay abot tainga ang ngiting nakatingin kay kapitan.
Itong si Lola talaga minsan may pagka weird. Nagtataka pa talaga siya kung bakit ganito ako ka kwela pag kaming dalawa lang. Eh nag mana naman pala ako sa kanya.
" Ayos na po mayor. Inaalagaan din naman ako nitong apo kong si zephyr. Maraming salamat din po sa mga tulong niyo sa akin, lalo na po sa gastusin sa ospital. " Pasasalamat ni Lola.
Ngumiti sa mayor at hinawakan ang balikat ni Lola.
" Wala ano man po iyon, trabaho din naming pag silbihan kayo at ang mga tao sa Lugar natin. Naging part din kasi iyon ng programa ni mayor Diego. Siya ho ang may gusto na ganon ang gawin namin at sinang ayunan naming lahat iyon. " Paliwanag nito.
Mas lalo akong nakaramdaman ng matinding paghanga para kay mayor dahil sa naririnig ko ngayon mula kay kapitan Richard.
I'm aware that mayor is a good and kind person to anyone, pero mas lalo ko iyong napapatunayan ngayon dahil sa mga naririnig ko.
" Paano ba yan Lola bibing mauna na po ako, may ibang mga officials din po kasing dumating at kasabay ni mayor Diego, kaya aasikasuhin ko po muna." Paalam nito.
" Maraming salamat ulit kapitan." Si Lola.
Tumango si kapitan sa kanya, bago niya Kani tuluyang nilagpasan ay huminto muna ito sa tapat ko.
" Alagaan mo ang Lola mo zephyr, lagi mo siyang babantaya, okay?" Masuyong saad nito sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
" Areglado mayor." Sagot ko sabay thumbs up sa kanya.
Natawa ito sa ginawa ko at umiling-iling pa ito sabay tapik ng balikat ko at tuluyan akong nilagpasan.
Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong diretsyo ito sa paglalakad papunta sa kanyang opisina sa tabi lang clinic.
" Ang bait talaga ni mayor apo." Manghang saad ni Lola.
Ngumiti lang ako. At maya-maya ay nakita ko na nag lakad na ito papasok sa loob ng clinic. Sinundan ko naman siya at nang makita ko itong naupo sa bakanteng upuan ay umupo din ako.
Mahirap din naman na pumasok ako sa kung nasaan ang doctor, eh Hindi naman ako magpapa check-up. Ilang saglit lang ay nag paalam si Lola na papasok na sa loob dahil lumabas na iyong naunang chineck-up, tumango lang din ako, at tahimik na naupo habang hinihintay siyang matapos.
" Hoy "
Napalingon ako sa kabilang gawi ko ng marinig ko ang boses ni Amanda.
" Ginagawa mo dito?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.
Nag lakad siya at naupo sa tabi ko.
" Sinamahan ko si ate kong buntis, papacheck-up daw siya. " Saad nito sabay nguso sa kung saan.
Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko ang kapatid niya naka upo sa tabi ng Isang pintuan kung saan doon nagpaoa check-up ang mga buntis.
Nag angat ito ng tingin at agad na ngumiti ng makita ako, nginitian ko siya pabalik at kinawayan.
" Ilang months na ba tyan ng ate mo? Masyado na kasing malaki." Tanong ko sabay lingon kay Amanda.
" Seven months na Zeph. Hanggang ngayon hindi pa din namin nakikita ang ama ng batang dinadala niya." Naka busangot na sagot nito sa'kin.
Maging ako ay naaawa din sa sitwasyon ng kapatid niya. Binuntis lang siya at iniwan ng walang pasabi.
" Eh Ikaw anong ginagawa mo dito? Gusto mong makita si mayor ano?" Nang aasar na saad nito.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin..
" B*ang.. sinamahan ko si Lola bibing para sa check up niya. Hindi naman pwedeng hayaan ko lang na pumunta dito mag isa." Sagot ko.
Tumaas pa ang sulok ng labi nito na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
" Totoo kakapasok niya lang sa loob, eksaktong pag upo mo dito." Pag kumbinsi ko sa kanya.
Tumango lang siya at mahinang sumipol.
" Ikaw nga alam Kong nandito ka din dahil gusto mong makita si kapitan, wag mo'kong lolokohin Amanda. Alam kong hindi mo ugaling sumasama sa kapatid mo." Ganti ko sa kanya.
" At least aminado ako, Ikaw todo deny." Asik niya.
Inirapan ko siya. " Bonus nalang iyong makita ko si mayor kapag sumasama ako Kay Lola. Tawag doon consequence. " Mayabang kong Sabi.
Pinakyuhan niya ako kaya napasinghap naman ako sa ginawa niya at mabilis na tinabig ang kanyang kamay dahil baka may ibang makakita sa kanya at malaman pa nila na masama ang ugali niya.
Tuloy-tuloy kami sa pag kukulitan ng marinig ko ang mga yapak na papalapit sa amin. Sa kyuryusidad ko ay agad kong inalis ang tingin ko kay amanda at lumingon sa pinang galingan ng mga boses.
Mabilis kong kinurot ang kamay ni amanda at sinenyasan siyang tumingin sa likuran niya.
" Ano ba yun zephyr? Ang sakit ng kurot mo. " Nakangiwing saad niya.
Pero hinawakan ko lang ang mukha niya at iginiya iyon papunta sa likuran niya.
Tahimik akong pinag mamasdan si mayor na ngayon ay nakangiti habang nag lalakad sa gitna ng hallway. Ang magkabilang kamay nito ay nasa loob ng kanyang bulsa.
Hindi ko maitatago ang matinding paghanga ko sa t'wing nakikita ko siya. Parang bumabagal ang takbo ng oras habang pinapanood ko siya.
" Good morning." Narinig kong bati nito.
Natulala lang ako at hindi makapag salita. Natauhan ako ng tusukin ni amanda ang tagiliran ko kaya nakabalik ako sa ulirat at agad na nginitian si mayor.
" Good morning po." Mahinang bati ko ganon din si amanda.
" Nandito kayo para magpa check up?" Mahinang tanong nito.
Mahinang tumawa si amanda at umiling.
" May sinamahan lang po mayor." Si Amanda ang sumagot.
Tumango lang ito at muling ibinalik ang tingin sa akin, kaya bahagya akong natigilan. Diretsyo siyang nakatingin sa mga mata ko at pakiramdam ko ay nanghihina ang buong katawan ko.
" Lola mo si Lola bibing right?" Magiliw niyang tanong.
Agad akong tumango at mas lalo lang lumawak ang ngiti nito sa labi.
" How is she already?" Sunod niyang tanong.
" Okay naman na po. Nag papasalamat po kami sa tulong na binigay niyo para sa kanya mayor." Diretsyong sagot ko.
Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang pang ibabang labi habang nakatingin sa'kin.
" You're welcome zephyr. So mauna na ako? Pakisabi nalang na kinumusta ko siya. " Saad nito.
Hindi pa man ako nakasagot ay agad na siyang nag patuloy sa kanyang paglakakad at sinundan ko lang siya ng tingin.
" Woii alam niya ang pangalan mo." Saad ni amanda at mahinang hinahampas ang balikat ko.
Maging ako ay nagtataka kung paano niya nalaman ang pangalan ko eh ito ang unang beses na nag usap kami.
" Baka nabanggit ni Lola sa kanya." Sagot ko.
" Baka nga.. pero nakakakilig, ang pogi talaga ni mayor." Dugtong niya habang ang mga palad nito ang nasa kanyang pisnge.
Muli akong lumingon sa kung saan nag lalakad si mayor, ngunit wala na siya doon. Tumahimik nalang ako at patuloy na hinihintay si Lola para maka uwi na kaming dalawa.
TO BE CONTINUE