CHAPTER 05- THE TENSION
ZEPHYR'S POV
"Iyong regalo zephyr, baka makalimutan mo." Paalala ni Lola sa akin habang abala ako sa pag aayos ng damit ko.
Christmas party at family day sa school namin ngayon at ako lang mag-isa ang pupunta. Bawal kasing mapagod si lola dahil ipinag bawal iyon ng doctor. Okay lang din naman sa akin, sanay naman akong um-attend sa mga event nang mag-isa at nandoon din naman si amanda. Kaya may kasama pa rin ako kahit papaano.
" Pasensya na talaga apo kung hindi ako makasama." Paghihingi ng paumanhin ni Lola.
Tipid akong ngumiti at hinalikan ang likod ng kamay nito.
" Ayos lang la. Mas mabuti nga iyon para makapag pahinga ka ng mabuti. Alam naman nating pareho na bawal kayong masyadong mag gagalaw. " Sagot ko sa kanya.
Ilang sandali lang ay tuluyan akong nag paalam at agad na nag lakad papunta sa labasan para makahanap ng tricycle.
" Zephyr.. Sabay kana!" Narinig jong sigaw ng Isang pamilyar na boses.
Agad akong lumingon sa pinang galingan nito at nakita ko si tatay bert na nag mamaneho ng kanyang tricycle.
" Kaya pa ba tay?" Pabirong tanong ko at nag lakad papalapit sa kanya.
Sumilip ako at nakita ko ang anak nitong si Christine sa loob ng tricycle at ang Asawa niyang si Nanay Lita.
" Good morning nay. Morning Christine. " Bati ko sa kanila.
Nakangiting kumaway sa akin si Christine.
" Kayang-kaya pa nak. Kaya dali na. " Si Nanay Lita.
Nakangiting akong tumango at agad na sumakay sa tricycle at naupo sa tabi nila.
" Ikaw lang mag-isa ang pupunta?" Tanong ni Christine sa akin.
" Oo. Bawal kasing mapagod si Lola bibing kaya mas mabuting doon nalang siya sa bahay. " Sagot ko.
Ngumiti lang ito sa akin kaya hindi na ako nag abalang mag salita pa.
Ilang minuto ang lumipas ay narating na namin ang entrance ng eskwelahan. Agad na ipinarada ni tatay bert Ang kanyang tricycle at nauna akong bumaba..
" Zephyr.. pwede Kang sumabay sa amin para kahit papaano ay may kasama ka. " Usal ni nanay Lita.
" Naku okay lang nay. Nandito din naman po si Amanda kaya may kasama pa rin po ako. At isa pa, alam niyo namang hindi ako ganon ka hilig sa mga ganito kaya kontento na akong manood lang. " Sagot ko sa kanya.
Hinaplos lang nito ang braso ko at dahan-dahan akong tinanguhan.
" Ikaw ang bahala. Basta kapag gusto mong pumunta sa amin ay okay lang." Aniya..
Ngumiti ako at agad na nag paalam na umalis na para hanapin si amanda.
" Good morning Ma'am Vivien." Bati ko sa aking adviser teacher ng makita ko ito sa tapat ng classroom.
May katandaan na din ito, pero masigla pa rin.
" Magandang Umaga Zephyriah. Wala kang Kasama?" Tanong nito ng mapansin ako lang mag-isa ang nasa harapan niya.
" Naku wala po, pero ayos lang naman ma'am. " Mahinang sagot ko sa kanya.
Tumango lang ito sa akin kaya agad akong dumiretsyo papasok sa loob ng classroom. Tiningnan ko ang buong classroom at agad na napangiti ng makita ko si Amanda.
Dali-dali akong nag lakad papalapit sa kanya..
" Sobrang excited. Hindi talaga ako hinintay. " Saad ko pagka lapit ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay.
" Sabi mo kasi dito na tayo sa school nagkita edi nauna na ako. " Sagot niya sa'kin.
Inirapan ko lang siya at inagaw sa kamay niya ang pagkaing hawak niya.
" Hindi ka ba kumain sa inyo?" Nagtatakang tanong niyo.
Pinanliitan ko lang ito ng mga mata at patuloy sa pagnguya ng pagkain.
Lumipas ang mahigit isang oras ay nag simula nang mag ingay ang buong paligid. Nag simula na ang mga games para sa mga estudyante at nang tumingin ako sa labas ay nakita kong nag simula na ding mag laro ang mga estudyante kasama ang mga magulang nila.
Mapait akong ngumiti habang nanonood sa kanila. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ganito din ba kami ng pamilya ko kung kasama ko pa sila ngayon.
Ganito din ba kaya kami ka saya kung hindi nangyari ang insidenteng yon na naging dahilan kung bakit nag bago ang lahat. Maging ang relasyon ko sa aking ina.
" Okay ka lang? "
Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni amanda sa likod ko.
Nginitian ko siya. " Oo naman, bakit hindi? " Pormal na usal ko.
Nginiwian niya lang ako at maya-maya ay umalis muli sa harapan ko.
Kahit ganito ang utak ni amanda ay nag papasalamat pa rin ako. Dahil kahit papaano ay may totoo akong kaibigan na laging nandyan para sa akin at handa akong damayan.
" Zephyr sali ka! " Pagyaya sa'kin ng Isang kaklase ko.
Nakaramdam ako ng hiya ng lumingon silang lahat sa akin at hinihintay ang sagot ko.
" Naku wag na. May mens ako ngayon eh, masaakit din puson ko. " Pag sisinungaling ko.
Mabuti nalang at hindi na nila ako kinulit at nag patuloy nalang sa kanilang paglalaro. Nakangiti lang akong pinapanood sila at minsan ay napapa halakhak.
Ilang sandali ay natahimik ang paligid. Kaya nag taka naman ako. Abala kasi ako sa pagkain ito lang din naman ang importante sa akin. PAGKAIN!
" Ang next activity natin para sa araw na ito ay itong singing presentation. Tatawag ako ng mga pangalan at dapat kumanta kayo doon sa stage sa labas. " Saad ni ma'am Vivien.
Nakinig lang ako at patuloy sa pagkain ko.
" Ang unang kakanta ay si Celeste!" Biglang usal ni ma'am.
Malakas na nag palakpakan ang lahat ng estudyante sa paligid ko.
" Ma'am.. nahihiya po ako. " Sagot nito.
Napangiwi ako sa narinig ko.
" Akala mo talaga bagay sa kanyang mahiya. Eh alam ng lahat kung gaano siya ka bida-bida sa classroom natin. " Biglang sulpot ni Amanda.
Kumunot ang noo kong nag angat ng tingin dito.
" Yan lang ba ang dahilan kaya nilapitan mo'ko? Para manlain? " Tanong ko sa kanya.
Nag salubong ang kilay nito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
" Wow ha? Nakita ko iyong pag ngiwi mo kanina. Alam kong pareho tayo ng iniisip. " Pakiki pagtalo nito..
" At least hindi ko sinabi. Eh Ikaw nilabas mo talaga sa bibig mo. " Diretsyong sagot ko.
" Bitbitin mo nalang iyang pagkain mobat lumabas tayo para marinig natin kung maganda ba boses niya. " Saad nito sa akin at agad akong hinila patayo at kinaladkad palabas ng classroom..
" Dahan-dahan lang... Matatapon iyong pagkain eh. " Reklamo ko.
" Kaya tumataba ka zephyr. Masyado kang matakaw. " Asik nito sa akin..
Hindi ko siya pinansin..
" Oh ayon na siya sa harap. Kunwaring nahihiya, pero gustong-gusto niya naman. " Natatawang saad nito.
Sumubo ako ng pagkain at tumingin sa harapan kung nasaan si Celeste. Nag simula na itong kumanta habang nakangiti at nakatingin sa mga taong nasa harapan niya.
" Maganda naman pala boses niya. " Saad ko ng matapos na itong kumanta.
Nag palakpakan lahat ng tao habang bumababa siya sa stage.
" Hindi naman maganda. Okay lang hindi sintunado. " Angal ni Amanda.
Napailing nalang ako at akmang aalis ng muling nag salita si ma'am Vivien.
" At ang susunod na kakanta ay si Zephyriah Alfeche. " Saad nito.
Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay ma'am..
Sumenyas ako na ayaw ko, pero umiling din ito at sinenyasan akong pumunta sa stage..
" Pumunta ka na. Hindi ka na nga sumali sa pa games kanina. Pati ba naman dito KJ ka pa rin. " Saad ni Amanda.
Sinamaan ko ito ng tingin.
" Alam kong may kinalaman ka dito." Bintang ko sa kanya.
Nginitian ako nito ng nakakaloko at itinulak ako pa akyat sa stage. Nakita ko kung paano ako tiningnan ni celeste, mukhang naaasar ito sa akin.
" Ma'am... Pwedeng iba nalang. " Pag kukumbinsi ko sa kanya.
" Let us hear your voice zephyr. Alam kong magaling kang kumanta. " Saad nito sabay abot sa akin ng microphone.
Kaya wala na akong ibang choice kundi ang kumanta nalang. Mas lalo akong kinabahan ng humarap ako at nakita ko kung gaano karaming tao ang nakatingin sa akin at hinihintay akong kumanta.
Huminga muna ako ng malalim bago nag simulang kumanta.
" I never dream... Coz I always thought that dreaming was for kids... Just a childish thing.. " Panimula ako at nag palakpakan ang mga tao.
" And I have swear love is just a game that children okay.. and no more than a game.. " I sang and slowly closed my eyes.
" Till I met you.. I never knew what love was, till I met you... This feeling seems to grow more.. every day.. I love you more each day. " Pag kanta ko at muling idinilat ang mga mata ko.
Sa hindi inaasahan ay natagpuan ng aking mga mata ang Isang pamilyar na tingin. Na ngayon ay nasa harapan ko at diretsyong nakatingin sa akin.
" I believe you... I believe in every words that you say.. I love you all the way... Now I can say, love is not a game that children play, so tell me that you stay. " Kinakabahang pag kanta ko at iniwas ang mga tingin sa kanya.
Muli kong kinanta ang chorus part na hindi tumitingin sa gawi niya, dahil pakiramdam ko ay para akong nilalamon ng mga tingin niya sa akin. At tiyak ako na hindi ko matatapos ang pag kanta ko kung patuloy akong makikipag titigan sa kanya.
Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi ako muling nag angat ng tingin sa kanya. Agad kong nilingon si ma'am Vivien at ibinalik sa kanya ang microphone at dali-daling bumaba ng stage.
" Nakita ko yun. " Nang aasar na salubong ni Amanda sa akin..
Mahina kong hinampas ang braso nito at muling kinuha sa kanya ang platong may laman na pagkain.
Sinubukan kong tumingin sa gawi ni mayor at halos mabitawan ko ang hawak kong plato ng mag salubong ang mga mata namin. Kaya nag iwas Ako ka agad ng tingin at nag paalam Kay Amanda na pupunta muna akong Cr.
Agad akong pumasok sa loob ng Cr at umupo sa kubeta habang ang magkabilang palad ko ay nasa aking mukha at pina pakalma ang sarili dahil sa pinag halong Kaba at hiya na nararamdaman ko ngayon.
" Paano kung pangit ang boses ko at tiningnan niya ako kanina dahil hindi siya natutuwang pakinggan ako? Paano kung naaasar siya? " Sunod-sunod na tanong sa utak ko.
" Wala din naman akong pakialam, bakit ba ako kinakabahan sa magiging reaction niya, eh kumanta lang naman ako at hindi din naman iyon para sa kanya. " Sagot ko sa sarili ko.
Nang tuluyan na akong kumalma at humarap ako sa salamin na nasa ibabaw lang ng sink at tiningnan ang mukha ko.
" Mukha naman akong tao kaya okay lang. " Saad ko at agad na lumabas ng Cr.
Halos mapatalon ako sa gulat ng tumambad sa harapan ko ang blangkong mukha ni mayor.
" M-mayor... Ano pong ginagawa n-niyo d-dito?" Kinakabahang tanong ko.
I took a step back ng humakbang ito papalapit sa akin at biglang yumuko kaya nagiging malapit ang mukha namin sa isa't-isa dahilan para bahagya din akong lumayo.
" Ang ganda naman pala ng boses mo. " He said in his baritone voice.
Napalunok ako dahil sa paraan ng pagkakasabi nito at sobrang lakas ng dating nito para sa akin.
" T-thank you po. " Mahinang sagot ko.
Nagulat ako ng tipid akong nginitian ni mayor at inilayo nito ang kanyang mukha habang ang tingin niya ay hindi pa rin inaalis sa akin..
" I won't mind if you will sing for me the whole day. Zephyr, I love your voice and it makes me calm. " Biglang dugtong niya.
Bumilis ang t***k ng puso ko, maging ang mga kamay kong naka kuyom ay nanginginig sa hindi ko malamang dahilan.
I gasp when I felt his large hands on my shoulder at bumaba iyon sa kamay kong naka kuyom.
" If I will tell you to sing for me, will you gladly do it, hmm? " Halos pabulong na saad nito.
Hindi ko na nakayanan ang matinding tension na nararamdaman ko kaya mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin at agad na kumaripas ng takbo.
TO BE CONTINUE