Chapter 100 Nirvanna's POV "Good night." halik ni JC sa noo ko saka siya humiga sa tabi ko at niyakap ako. Halos isang linggo na matapos ang operasiyon ko at patuloy niya kong inaalalayan. Nalulungkot pa rin ako dahil parang wala na talaga kong pag-asang makakita. Pero naalala ko ang payo ni Nana Karing dati. Na kapag balot na ng dilim ng paligid ng isang tao dapat maghanap ng liwanag. Inisip ko na lang na kasama ko naman si JC kahit hindi ako makakita. Sapat na 'yon. Tumingala ako sa kanya. "JC..." tawag ko. "Yes?" Bumangon ako at humugot nang malalim na hininga. "Bakit ka bumangon? Sa'n ka pupunta? Samahan na-" Nagulat siya nang sumaklang ako sa tiyan niya. "Nirvanna?!" "B-Bawi ako sa'yo." sabi ko at kusang kinalas ang butones

