Chapter 58 "Nana Karing luto na po ba yung minatamis na kalumpit?" magalang na tanong ko. Nirequest ko talaga yun dahil iyon ang hinahanap ng dila at panlasa ko. "Oo. Ito ipagsasandok na kita. Maupo ka na dun." nakangiting sabi niya kaya naman umupo na ko sa komedor. "Heto na..." ani Nana Karing habang nakalagay sa maliit na mangkok ang kalumpit. Nagmamadaling dumampot ako ng kutsara dahil talagang naglalaway na ko. "Hmmm! Ang sarap! Tama lang yung tamis at asim." reaksiyon ko ng sipsipin ko na iyon at napapadiyak pa. "Nakakatuwa naman. Dati ang mama mo ang ipinagluluto ko nung naglilihi siya sa'yo tapos ngayon naman ikaw na ang naglilihi." haplos niya sa buhok ko. Napangiti na lang ako. Medyo magaan na ang pakiramdam ko dahil wala na kong itinatago. "Excited ka na ba?" tanong pa

