Chapter 56 "JC?" "Hmm?" tugon niya habang itinitiklop ang mga damit kong galing laundry. Siya pa yung nagpalaundry nun. Ayaw na niya kong maghandwash. "Ako na diyan." "Hindi na mapapagod ka." saway niya. "Ano ka ba? Parang wala ka na yatang balak pakilusin ako, ah? Di naman ako baby." Natawa siya. "Oo nga. Pero may baby sa tiyan mo. Saka hindi rin naman masama kung ibaby kita. Tutal naman akin ka na." "Ewan ko sayo." pigil ang ngiting irap ko sabay sawsaw ng rambutan sa hotsauce na binili niya. "Masarap ba talaga 'yan?" halos mapangiwing tanong niya. "Oo! Tikman mo." alok ko at itinapat iyon sa bibig niya. Naglilihi na nga yata talaga ko. Ito na yata yung tinatawag nilang mga weird cravings. "Hindi okay lang. Mukhang kulang pa sa'yo, eh." tanggi niya at umupo sa tabi ko sa g

