Chapter 78 "Hoy! Excuse me, 'no?" singit ko saka bahagyang itinulak ang balikat ng babaeng promodiser nang makalapit ako. "Ano'ng incentive ang sinasabi mo? Lasing ka ba o ano? Hindi mo ba nakikita? Hello! Nandito yung girlfriend niya! Laklak ka ng laklak nasa trabaho ka. Hindi kami bibili. Baka mamaya mawala rin kami sa sarili. Hmmp!" irap ko at tumalikod na. Sumunod naman sa'kin si JC. "Galit ka ba? Nagseselos k aba?" halos mapangiwi niyang tanong. "Hindi asar lang. Saka bakit hindi ako magseselos? Halata namang nilalandi ka niya? Mukha siyang higad, eh. Tara na nga. Wag na natin pag-awayan `to. Bibili pa tayo ng karne. Brisket, spare ribs alin ang mas trip mo dun?" "Breast..." nakangising sagot niya. Nahagip ko tuloy ang bell pepper na inilagay ko rin kanina sa pushcart. Bahagy

