Chapter 52 Nirvanna's POV "Pakwan gusto mo?" alok ni JC. "Ayoko." sagot ko at nagdire-diretso ng lakad sa kahabaan ng palengke para maghanap ng mailulutong ulam. Ito namang pasaway na 'to sinamahan ako at inaalok ng kung anu-anong prutas! Daig pa tuloy niya ang mga tindero dito sa palengke. Di ko alam kung ano'ng trip niya at parang gusto akong pakainin ng pakainin. "Saging?" "No!" "Ah pinya?" "Hindi!" "Chico?" "Ayoko rin." "Uhm melon?" "Kulit mo! Ayoko nga." "Ah mangga! Indian o yung kalabaw?" "JC isa pang alok mo, hahanap na ako ng kalabaw at ipapahila kita." pananakot ko. Ang kulit kasi ng kamoteng 'to. "Eh, baka lang kasi may gusto kang kainin. Di ba ganun pag naglilihi? Kelangan ibigay ang hilig para maging okay ang baby?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.

