Chapter 98 Nirvanna's POV "J-JC asan ka?" kabadong tawag ko. Napakatahimik ng paligid. Napakadilim. "JC?" muling tawag ko pero walang tumutugon. Nagtaka ako ng tila nagkakaroon ng linaw ang paningin ko. Humakbang ako, nakikita ko na ang dinaraanan ko. Nilukob ako nang takot ng mapansing nasa abandonadong gusali ako. It is the same place kung saan ako itinago nung kinidnap ako. "Kamusta?" Napapitlag ako nang may magsalita. "Drake?" napaatras na sabi ko. "Akala mo siguro makakatakas ka na? Gusto mo bang makita ang lalakeng pinakamamahal mo?" "A-Ano'ng ginawa mo sa kanya?" "Wala. Wala pa..." nakangising tugon niya at sa isang iglap hawak na niya si JC. Nakaipit ang braso niya sa leeg ni JC para hindi ito makapiglas. Nahintakutan ak

