Chapter 84 James Carlo's POV "JC..." "Hmm?" inaantok na tugon ko kay Nirvanna. "Gumising ka na. Sinasarap ka naman ng pagtulog diyan. Bangon na. Nakapagluto na ko..." tapik niya sa balikat ko kaya bahagya lang ako nagmulat ng mata. Nakatunghay siya sa'kin habang nakangiti. Bumilis ang t***k ng puso ko. Ewan ko ba, kahit na araw-araw kaming magkasama hindi pa rin nawawala ang excitement ko sa tuwing nakikita ko siya. Ang ganda talaga niya... Ang amo ng mukha. "Mamaya na. Antok pa ko." Nakita kong napangisi niya. "Aw...yung baby JC ko. Inaantok pa. Haha..." Napamulat na talaga ko dahil bigla siyang naglambing na bihirang mangyari! Ako palagi yung nag-iinitiate ng lambing, eh! "You need landi?" pigil ang tawang tanong ko. "Baliw!" hampas niya sa braso ko pero sumampa siya

