"Hindi biro ang kasal Aira kaya habang hindi ka pa pumipirma ng kontrata mag desisyon ka na?" wika ng Ama habang sakay sila ng bridal car. Kadarating pa lang nila ng simbahan, iniintay lang nila ang signal ng Ate Megan n'ya bago s'ya bumaba. "Wala kang balak ituloy ang kasal tama?" turan naman ni Luxme. Kumunot naman ang noo ni Ivo. "Anong ibig mong sabihin. Sweetheart?" pero hindi kumibo si Aira ngumiti lang habang nakatingin sa mga magulang. "Aira." Tawag pa ni Ivo. "Hindi po ako mag susuot ng pink na wedding ko kung mag papakasal ako? May anak na po ako pero may karapatan pa rin naman po akong mag suot ng white na wedding gown diba." "Oo naman, Anak pero ano bang plano mo." "Secret ma' baka mabulilyaso kapag sinabi ko." hindi naman na nangulit ang parents n'ya. Kumatok naman na an

