"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Dennis ng maka pasok na sila sa hotel at biglang humiwalay ng lakad si Aira sa kanya kaya napasunod naman agad si Dennis sa dalaga. Nag palingon-lingon naman sa paligid si Aira saka sinamaan ng tingin si Dennis. "Wala akong paki-alam kung sobrang clingy mo kung nasa labas or nasa opisina mo tayo pero kapag nandito sa baba at maraming nakakakitang empleyado, ingatan mo naman yang apelidong naka dikit sa'yo." mariin na bulong ni Aira. "Bakit? wala naman tayong ginagawang masama." "Kahit na! Be professional okay, mauna ka na sa office mag papalit lang ako ng uniform." "Sabay na tayo." inis naman napapadyak na sa granite tiles si Aira ng lingunin si Dennis. "Sige na, uuna na ako! Eto lagi na lang mainit ulo. Didiligan kita e." ngisi ni Dennis sabay tali

