"Ano ba Dennis ang kulit mo?" piksi ni Dana habang panay ang yakap ni Dennis sa braso ng ina. "Sige na My, help me!" kulit pa rin ni Dennis. "Parating na ang Daddy mo sa Daddy ka mag sabi wag sa akin." "Mapapagalitan lang ako ni Daddy mommy, ikaw na lang please." parang pusang hindi ma anak si Dennis, kahapon itinakda na ang petsa ng kasal ni Aira at next month na iyon right after mismo ng graduation ni Aira at wala man lang pag dadalawang isip na pumayag si Aira. Hindi na n'ya alam ang gagawin n'ya ang hirap paamuhin ni Aira, masyado pang violente pero kahit ata taniman s'ya ni Aira ng bala sa katawan at bugbugin na s'ya nito wala s'yang paki-alam basta wag lang itong mag pakasal sa ibang lalaki. "Hoy! Dennis 28 ka na, baka akala mo e bata ka pang nag mamaktol, memories mo lang ang na

