Malakas na diniinan ni Dennis ang busina para lumikha ng ingay na alarma naman ang mga shooter na bumabaril sa taxi na sinasakyan ni Aira lalo pat dalawang naka motor din ang dumating at nag simulang mag papaputok. Kaya nag pulasan ang mga ito na hinabol naman ng mga naka motor, kung sino man ang mga tumulong natitiyak n'yang kilala sila ni Aira. Nag mamadaling bumaba s'ya ng kotse at tinakbo ang pagitan nilang ng taxi at kabado s'ya sa makikita n'ya dahil mula pa lang sa malayo kita na ang maraming butas ng taxi. Pag bukas n'ya ng taxi nakita n'ya si Aira na naka bulagta sa sahig habang ang taxi driver ay umiiyak na nakasikisk sa ilalim ng manibela nito na kitang takot na takot. Nag mamadaling inilabas ni Dennis si Aira mula sa backseat hindi magawa ng binata na makapag salita pakiramd

