THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 35 - A N D R E I Kalalabas ko pa lang sa ʼking lungga ngunit ang buwesit na Sir Henryʼng ʼto agad ang bubungad sa 'kin. Ayoko sanang aminin ʼto pero ang presko niya ngayon. Palagi naman siyang fresh pero ibang-iba ang aura niya ngayon. Iba ang dating nito sa suot na puting shorts, tapos naka-blue siya na collared T-shirt na inserted sa short niyang pangmalakasan, at puting cup. Hulaan ko, mag-go-golf ito ngayong araw. Alam ko na, e. Ganito kasi mga nakikita kong suot ng mga taong naglalaro nun. “Good morning, Sir!” masigla kong bati, sabay lawak nang pagkakangiti ko ngunit ang puso koʼy gusto nang sumabog. Ano ba, Drei! Ilang beses ko nang ipinapaalala sa ʼyong amo mo iyan. Huwag kang feeling at mag-day dream ng happy ending ninyong dalawa. “We're going

