THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 37 -- THIRD-PERSON POV Nagising si Henry na masakit ang kaniyang ulo. Hindi naman marami ang nainom niya kagabi sa Blue Moon, isang bar sa metro. Hindi rin mahina ang tolerance niya sa alak. Ang alam niyang rason bakit masakit ang ulo niyaʼy hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. He remembered everything. Simula sa pag-alis niya sa bahay niya hanggang sa siya'y makauwi. Wala siyang balak umuwi pero nakatanggap siya ng tawag sa kaniyang katulong. Hindi niya alam ba't siya nito tinawagan pero nang magsimula nang magsalita si Andrei, his heart immediately went crazy. He didn't even notice that he was smiling while listening to him. Dali-dali rin siyang umuwi noon at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit imbes na dumeretso siya sa kaniyang kuwartoʼy s

