THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 49 A N D R E I Madilim na ang langit; punong-puno ito ng mga nagkikislapang mga bituin at ang buwan ay bilog na bilog. Malamig din ang simoy ng hanging yumayakap sa aking balat. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang may kalakasang hangin. Ngunit agad akong nakaramdam ng ginhawa nang may makapal na telang pumasok sa aking magkabilang balikat. Tumingin ako rito... si Sir Henry at ang jacket niya ang inilagay niya sa balikat ko. Ang tanga ko kasi, lalabas-labas ako ng bahay na tanging manipis na tela lang suot. "The stars are beautiful," bigla niyang sabi. Nakaupo na siya sa tabi ko rito sa upuang gawa sa kawayan sa likod ng aming bahay. Imbes na tumingin ako sa langit, sa kaniyang mukha ako tumingin. Ang tangos ng ilong niya. Tumatakbo tuloy sa isipan ko ku

