THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 27 -- A N D R E I Nakakainis talaga! Kung kailan gusto kong matulog nang mahimbing ay saka naman ako gagambalain ng isang belat dito sa mansion. Balang araw ay magagantihan ko rin ang babaeng 'to. Bumangon na lang ako't pabagsak na binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ng Belat na nakataas ang mga kilay na drawing lang naman. Ang kapal din ng kaniyang foundation at ang lipstick na ginamit niya'y mukhang expired na. Masama ko siyang tiningnan. "Bakit?" mahinahon kong tanong pero sa loob ko'y gusto ko na siyang sabunutan. "Magtatanghali na po, Senyorita. May pasok po ang alaga niyo ngayon," sabi niya, may ngising nakakainis sa kaniyang labi. Doon ko lang din naalala na Lunes na naman ngayon at may pasok nga pala si Senyorito. Lutang ba ako? Akala ko kasi'y ga

