THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 29 A N D R E I - Habang nasa sasakyan ako, ang dami ko nang dasal na nabanggit. Pati yata dasal ng demonyo'y binubulong ko. Pero hindi pa rin ako tinatakasan ng kaba. Ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan, o alam ko na sa una pa lang ang dahilan pero natatakot lang akong aminin. Pero sige na nga, dahil mapilit kayo'y sasabihin ko na. Natatakot akong mawalan ng trabaho. Hindi ako natatakot na mapagalitan ni Sir Henry. Ayos nga lang sa akin kung parusahan niya ako. Ayos lang! Kahit na palu-paluin pa niya ako sa puwet o sakal-sakalin. Ayos lang! Chariz! Pero iyon na nga mga bebs, takot akong mawalan ng trabaho. Nandito na ako e. Maganda na ang trabahong nakuha ko. Malaking tulong sa pamilya ko sa probinsiya. At, kapag nawala ito, sa

