Tine's point of view Habang nasa ilog kami ay ramdam ko ang malokong jun jun. Napangiti ako sa aking iniisip pero hindi ko na itinuloy dahil kawawa lang siya. Umuwi na kami at isinampay ang kanyang nilabhan, alam ko na nahihiya siya sa kanyang mga damit, pero pinaramdam ko na okay lang sa akin. Kahit punit-punit ang kanyang mga damit ay mabango naman siya. Napagpasyahan ko na magluto ng bilo-bilo dahil nakita ko sa likuran ng bahay na may hinog na langka. Habang nagluluto si Li ay nag umpisa na akong mag hiwa ng mga sahog na gagawin ko. Tinimpla ko na din ang giniling na sweet sticky rice na nabili ko na pa expire na din. Mabuti at may nakita din ako ng gata ng niyog sa lata kaya completo na ako sa lahat ng kakailanganin ko. Pagkatapos naming kumain ay mabilis ko na lang ito niluto. Nag

