Chapter 2

2407 Words
Kristine's point of view Mabilis na lumipas ang linggo ay kaarawan na namin ngayon. Napatingin ako sa lagayan ng aking damit, sigurado ko na simple lang ang iisusuot ng aking mga kambal. Sorry nalang sila, pero hindi ako nabuhay para mag suot ng simpleng damit. Habang namimili ako ng aking isusuot ay may kumatok sa pinto sabay bukas ito. "Happy birthday anak, bakit hindi ka pa nakapagpalit?" Tanong ni Mommy na parang siya ang may birthday sa suot niyang damit. "I don't know what to wear Mom. Sigurado ako na simple lang ang isusuot ni Autumn at si Nat ay naka pants lang yun for sure." Sagot ko na napasimangot. "Hmmm!" Anas ni Mommy na napaisip at tumingin sa aking damitan. "Eto ang isuot mo anak, simple but elegant." Sabi ni Mommy na hawak ang isang dress na minsan ko nang naisuot noon. Okay naman sa paningin ko kaya mabilis akong naghubad sa harapan niya at isinuot ito. "Anak, lumaki yata masyado ang b*obies mo." Bulaslas niya na nakatingin sa dibdib ko. "Syempre Mom, lumaki na ako noong 15 years old mo pa kaya binili ito." Sagot ko na nagustuhan ang pinili ni Mommy dahil lutang na lutang ang kaseksihan ko. "Baka ayaw ng Daddy mo anak." Sambit niya na parang gustong palitan ang suot ko. "No Mommy, halika na." Sagot ko at nauna na akong lumabas sa aking kwarto. Mabilis namang sumunod si Mommy at naabutan niya ako sa elevator. Lumapit siya sa akin para itaas ang neckline ng dress ko pero bumabagsak siya at nakikita ang aking cleavage. Napangiwi siya ng napatingin ulit sa akin. "Mom, namana ko lang ito saiyo kaya be proud." Sabi ko pa na masayang lumabas na na elevator. Habang naglalakad ako papalapit kina Daddy ay masama ang tingin niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at dinig ko ang pag-uusap nila. "Hon, bakit ganun ang damit ni Tine?" Tanong ng aking Daddy. "Hayaan mo na bagay naman." Sagot ni Mommy at napangiti ako. Walang nagawa si Daddy dahil mabilis na akong lumabas sa bahay at sumakay sa sasakyan. "Tabi-tabi may bold star na papasok." Sambit ni Dark at tinignan ko siya ng masama. "Kaarawan ko ngayon Dark, malilintikan ka sa akin pag nagsalita ka pa." Inis na sabi ko. Kahit magkakamukha ang apat ay kilala ko ang mapang-asar sa kanila. "Dark is right Ate, halos ipakita mo na ang dede mo." Sabat ni Light na may halong pang insulto. "Paki alam ninyo, inngit lang kayo dahil ang mga kursunada ninyo ay flat chested!" Inis na sabi ko at tumahimik na sila. Isang salita pa talaga nila ay malilintikan sa akin ang mga gusto nila kahit pati si Lovely na kursunada ni Dark. Friend ko pa mandin si Lovely pero madadamay siya sa init ng ulo ko. Humalikipkip ako at lalong lumabas ang dibdib ko, hinayaan ko lang siya dahil sinira ng aking mga kapatid ang araw ko. Pagbaba namin ay tinakpan ni Daddy ng panyo ang harapan ko para tuloy naka baby bibs. "Do not remove this, pag inalis mo ay uuwi na tayo." Bulong ni Daddy. "Daddy!" sambit ko na naiiyak na dahil tawang-tawa ang aking mga kapatid. "It's okay anak, you are still beautiful. Look at those shapes and flawless legs you got." Pampalubag loob ni Mommy sa akin. Pumasok na kami sa loob at nag Mano agad ako sa aking mga ninong at ninong. Pagkatapos ay yumakap ako kina grandma's at grandpa's. Huling dumating sina Autumn na parang pambahay ang damit mas lalo na si Nat naka pantalon lang at t-shirt. Napahinga ako ng malalim at hindi nalang umimik. Kahit badtrip ang araw ko ay bongos naman ang regalo ng aming mga ninong at mga Lolo kaya sumaya na ang aking pakiramdam. Natapos ang aming kaarawan at nagsi- uwian na kami. Pagdating namin sa bahay ay agad akong lumapit kay Daddy. "Daddy, can I have the key of my condo?" Sabi ko sabay bukas ang aking palad. "No, pagkatapos ninyong mag-aral ay tsaka ko ibibigay." Ssgot niy at nagulat ako. "But Dad I am 18." Reklamo ko. "Bakit mo na bang mabuhay without using your savings account?" Seryosong tanong niya sa akin at natahimik na ako. "How about the car Dad?" Malungkot nang tanong ko. "May school service nan kayo. Hindi ninyo kailangan ang inyong sasakyan." "Daddy, pwedeng itinda ko nalang ang condo at car ko. Useless din kung hindi ko naman pala matitirhan at magagamit." Sabi ko na may kasamang sarcasm. "Regalo saiyo tapos ititinda mo." Sagot ni Daddy at iniwan na ako. Pabagsak akong umupo sa sofa. Sa lahat ng panganay ay ako lang ang nasa bahay. Narinig ko na si Sander ay aalis mamaya. Si Autumn ay kina Ninong at si Nat ay sa girlfriend niya. Ang boring ng buhay ko, 18 ma ako at hindi ko pa nakita ang aking destiny. "Nasan ka na Mr. dreamboy." Bulaslas ko na papasok sa elevator. Kasama ko sa Adam at nakatingin siya sa akin. "Bunso, nasaan ang regalo mo sa akin?" Tanong ko sa mayaman ko na kapatid. "Here." Sabi niya na may kinuha sa kanyang bulsa at maliit ito na parang sticker lang. "Sticker? seryoso ka Adam?" Sambit ko. "It's a Sticker but it's a device that you can hear any conversion to the people you stick it. Make sure sa hindi nababasa mo ito idikit, the password is your birthday and I connected already in your phone. This cost 50 million pesos in the market." Sabi niya at iniwan na niya akong naka tunga-nga. Ano daw? 50 million pesos? Itong maliit na sticker na ito? Pinagsasabi nun. Napailing nalang akong pumunta sa aking kwarto. Pagdating ko ay inilagay ko sa drawer ang maliit na Sticker at naghubad na ako ng aking damit para maligo. Pumasok na ako sa banyo at nag babad sa tub. I am 18 but I am certified virgin pa. Ni kiss o momol ay hindi ko pa naranasan. Hindi pa ako nakakita ng ari ng lalaki at most of all ay hindi pa ako naka panuod ng porn. Napapikit ako, naalala ko ang sinabi ni Daddy na pag 18 na kami ay wala na ang cctv ng aking kwarto. So unfair si Daddy kaming mga babae lang ang may Cctv. Napangiti tuloy akong tinApos na ang aking pagligo dahil pati phone ko ay hindi na rin connected si Daddy. "Waaa my me time!" Masayang sambit ko dahil manunuod ako ng porn. Mabilis kong tinuyo ang aking buhok at nag pahid ng lotion at creams. Naka roba lang akong pumunta sa aking higaan at kinuha ang aking phone. Napansin ko na may bagong app naka installed sa cell phone ko. Ang app ay surveillance sticker. Naalala ko ang sinabi ni Adam kanina. Pero paano niya na installed eto na hindi hinawakan ang aking phone? Patay malisya nalang muna ako dahil mas excited akong manuod ng porn. Napaisip ako kung ano ang I search ko sa Google. "Hmmm ano kaya." Sambit ko at nagtipa ng s*x. May nailabas naman pero meaning ng s*x ang inilabas. Inilagay ko ang making s*x at meaning ulit ang nailagay. Hindi ko alam ang I search ko na words sa Google. Wala naman akong Video Cd's na ganun para hindi na sana ako mag Google pa. Ayoko naman na itanong ang apat na bugok dahil baka pagtawan at asarin lang ako. Nawalan tuloy ako ng ganang ibinaba ang aking telepono. Bumangon na ako at nagdamit. Napagpasyahan ko na mang asar mga bunso kong kapatid. Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ni Mira. Sa lahat ng bunso ay gaya ko din siya na medyo madaldal. Halata sa kanya na paglaki niya ay gaya din sa akin. Kumatok ako sabay pumasok. "Hey bunso anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya na parang nag susulat. Tinignan ko ang kanyang isinusulat. Nag uukit pala siya at isang lalaki. "Hoy sino yan?" Tanong ko n umupo sa tabi niya. "Crush ko siya Ate, nakita ko siya minsan sa gate hinahanap si Ate Autumn pero wala si Ate. Kaya ako na ang nag invite na pumasok siya sa loob." Sabi ng aking kapatid na parang mas matanda pa sa akin ang inuukit niya. "Bakit ka nagpapasok sa bahay? lagot ka kay Daddy." "Hello, he is so handsome at sobrang mabait. His name is Kit and 21 years. Harmless naman siya Ate kaya pinapasok ko. So sad lang dahil gusto daw niyang manligaw kay Ate Autumn. I am too young for him. Bakit kasi 9 palang ako at walang dede kagaya ninyo." Malungkot na sambit ng kapatid ko. Mabuti pa siya may crush na ako wala pa. "Kapag niregla ka na, mag start nang madevelop ang katawan mo. Huwag ka bang malungkot dahil sigurado ako na iba nag gusto ni Autumn." Sabi ko na pinisil ang kanyang pisngi. "Are you sure Ate! Oh em ghee!" Tili ng malandi kong kapatid at napatingin sa lalaking inukit niya. May itsura nga ang lalaki. Nakipagkwentuhan na muna ako sa kanya hanggang sa malapit na ang dinner namin. "Halika na baba na tayo." Sabi ko at sabay na kaming lumabas sa kwarto niya. Pagdating namin sa baba ay agad na lumapit si Daddy. "Tine ang Cctv lang ng room mo ang inalis ko pero ang phone connection ay hanggang bukas pa." Seryosong sabi niya at napakagat labi ko. Ibig sabihin ay nakita ni Daddy ang pinag hahanap ko sa Google. Napa-upo tuloy ako sa sofa at natahimik dahil parang umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko. Liam's point of view "Mommy alis na ako." Paalam ko dahil nasa labas na ang school bus. "O sige ingat anak." Sigaw din ni Mommy na tumakbo sa banyo dahil sumakit ang tiyan. Letter lang ang ginawa ko na regalo kay Autumn para sa kanyang 18th na kaarawan. Namitas na rin ako ng isang pulang rosas na tanim ni Mommy. Nasa bag ko ito kaya ingat na ingat akong masira kaya binuhat ko paharap. Pagdating namin sa School ay agad kong nakita si Autumn pero kasama ang kanyang Ninong. Hinintay ko muna na makaalis ang kanyang Ninong bago ko siya lalapitan. Matagal din silang nag-usap, nang umalis na ang kanyang Ninong ay patakbo ko siyang nilapitan. "Autumn wait!" Sambit ko na medyo hiningal pa. "Hi Liam." Pagbati niya na sobrang lamyos ng kanyang boses kaya na nerbiyos na naman ko. "Hhhappy birthday." Sabi ko sabay abot sa sulat at bulaklak na galing sa loob mg aking bag. "Thank you." Sabi niya at iniwan na ako. "Ah, Autumn!" Tawag ko sa kanya ulit kaya napahinto siya at lumingon sa akin. "Hindi ba Sabi mo noon pwede ka nang ligawan pag 18 kana?" Nahihiyang tanong ko. "Liam pasensiya kana pero ayaw ng Ninong ko eh."Mahinang sambit niya. Nilakasan ko na ang aking loob. "Hmm kakausapin ko ang Daddy mo kung pwedeng umakyat ako ng ligaw." Sabi ko na sobrang kinakabahan. Napaisip siya at ngumiti lang. "Sige, pasok na ako Liam. Thank you ulit sa gift." Sabi siya at lumakad na papunta sa kanilang room. Pakiramdam ko ay parang ayaw magpaligaw ni Autumn. Napahaplos tuloy ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko sa sagot niya kanina ay basted na ako. Bagsak ang aking balikat na pumasok sa aming room. Bukas ay umpisa na ang practice para sa aming graduation. Sa nalalapit namin na pagtatapos, pakiramdam ko ay hindi ko na makikita pa si Autumn. "Umagang-umaga ang lungkot mo?" Tanong sa akin ni Vin pag-upo ko sa kanyang tabi. "Parang basted na ata ako." Mahinang sambit ko. "Ano, anong sinabi? nagtapat ka na ba?" "Hindi pa pero nang nagpa-alam ako na ligawan siya, hindi daw payag ang kanyang ninong." Sagot ko at napasandal sa upuan. "Parang ganun na ang dating bud." Sabi niya sabay tapik sa aking balikat. Subukan ko na kausapin ang mga magulang ni Autumn. Hindi dapat akong mawalan ng pag-asa dahil matagal n akong may gusto sa kanya. Napayakap ako sa aking bag at napapikit. Ang laman ng utak ko ay ang mukha ni Autumn na napaka ganda. Gagawin ko ang lahat para mahalin Mabilis na natapos ang aming klase at hindi na ako nakalapit pa kay Autumn dahil sinundo agad siya ng kanyang Ninong. Malungkot na akong sumakay sa school bus. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Mommy na nanunuod ng balita at si General at kausap ng reporter. Natulala tuloy ako dahil sa galing niya. Bigla tuloy akong kinabahan at napaupo. Kaya ko kayang kausapin si General na magpa-alam para umakyat ng ligaw kay Autumn at anong maipagmamalaki ko? "Ang hirap!" Sambit ko. "Alin ang mahirap anak?" Tanong ng aking Ina. "Mommy, anak po kasi ni General ang gusto kong ligawan." Mahinang sabi ko. "Huh!, Mayaman ang mga Sandoval anak. Kahit ang kapatid ko na may kaya ay mas di hamak na mas mayaman sila." Sabi ni Mommy na ang tinutukoy ay ang ama ni Kuya Kit. "Mukhang mabait naman po yata si General Mom, hindi lang siya palangiti." Sabi ko sabay tingin sa kanya sa telebisyon. "Naku anak, sa iisang high school kami nag-aral. Masungit yan, lalo na sa mga babae na magpapansin sa kanya at namamahiya." "Lalaki naman ako Mommy." Sagot ko pero nawawalan na ako ng pag-asa. "Sabagay anak, hindi bale magandang lalaki ka naman. Magandang lahi na lang ang maibigay mo sa mga Sandoval at sobrang bait mo pa." Bulaslas ng aking Ina may kasamang yakap na parang pinapalakas ang akong loob. Dumating na din ang aking Ama na mukhang pagod na pagod at agad na sinabi ni Mommy ang pinagtapat ko sa kanya. "Nagbibinata na pala ang anak namin." Sabi niya na tinapik ang aking hita. "Paano kung mabasted ako Daddy?" Malungkot na tanong ko. "Talagang ganyan ang buhay anak, kung mabasted ka sabihin mo lang at uminom tayo." Sagot ni Daddy at napatawa pa. "Pinagsasabi mo diyan. Kung mabasted ang ating anak ibig sabihin at may ibang nakalaan para sa kanya. Huwag kang makinig sa Daddy mo, noong binasted ko yan ay umiyak kaya naawa ako at sinagot nalang siya." Sabi ng aking Ina na tinutukso na si Daddy. "Hindi naman ako umiyak noon sweetheart, napuwing lang ako."Sagot ni Daddy na natatawa na rin kaya napailing nalang akong pumunta sa aking kwarto at naligo. Pagkatapos kong naligo ay humiga na muna ako sa kama. Kahit social media ay hindi mahilig si Autumn. Parang hindi ko kaya yata na mabasted ako. Dumapa ako sa aking kama at isinubsub ang aking mukha sa unan. Iiyak ko nalang siguro at itulog ng mahaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD