Chapter 3

1059 Words
Three Years Later ✈︎Aquarius' Point of View✈︎ " 'di ka talaga papatinag 'no?" Hirap man ay pilit kong binuksan ang mga mata ko nang makarinig ako nang nagsasalita. "Aqua! Ano ba 'yan! You're going to be late!" Sumisigaw na ani nang kung sino mang nagsasalita ngayon. I just grunted and moved my hand around trying to look for my comforter that must've fallen off of my bed when I was asleep. "Wake up and get ready, Aquarius. Kung ayaw mo na tawagan ko si David." Agad akong napamulat sa narinig at dali daling tumayo pero napatigil din ako sa pag galaw nang maramdamang parang mabibitak na ang ulo ko sa sakit na nararamdaman. 'f**k, I'm never drinking again.' I thought as I mentally cursed at myself. "Get up and get ready, saka ka bumaba. I made your maids prepare you medicine and breakfast. Move fast. May board meeting kang a-attend-an." Nakapikit parin dahil sa sakin, I just grunted as a sign of response. "W-wait! Diana!" Tawag ko sa taong papalabas na nang kwarto ko. Diana Andraria Lim. My secretary and best girl friend. We've been friends for almost four years now. Nakilala ko sya noong nagpunta kami ni David sa Tagaytay. She was our tour guide and then naka kwentuhan namin sya ang found out that she was looking for a job. Sakto namang kailangan ko nang secretary, so I asked her if she wants to be my secretary at um-oo naman sya. Now, not only she became my secretary, she also become a friend of mine. Hindi na kami Double Trouble ni David. Three idiots na kami ngayon. Haha "Can you move my morning appointments a little later today? Ang sakit talaga nang ulo ko." Paki usap ko dito. Ako boss pero ako nakiki usap. Malupet. "Who told you to drink 'till you drop ba? Kakauwi lang natin, Aquarius. Inom agad?" Masungit na ani nito sa akin habang naka pamaywang. Ang totoo nyan eh hindi talaga ako ang boss, epal lang ako. Mas asta pang boss itong secretary ko kesa sa akin eh. Nakakahiya naman. "You know my circle, Diana." Nag papaliwanag kong sabi dito. It's true that I we just got home. For the past three years after hiring Diana, we flew to Japan and stayed there, managing my family's business there. And also to escape. I don't know if someone knew who I was when I did that but I still went to Japan to forget what happened three years ago. It was embarassing as f**k, and heaven knows how much I wanted to kill myself that time. Nakakahiya! "Whatever. I already adjusted your schedule earlier even before you asked. Alam ko namang bangag ka nanaman eh. For now, get ready, susunduin daw tayo ni David, sya ang maghahatid sa atin sa opisina." Sabi nito saka lumabas na nang kwarto ko. I sighed and closed my eyes shut. Ang sakit talaga nang ulo ko. Napipilitan man, tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama at dumiretso sa comfort room para maligo at mag ayos. After an hour of bathing, yes, I take an hour to bath. At mabilis pa iyon para sa akin. I went towards my walk in closet wearing a bathrobe and looked for something to wear. After almost half an hour of thinking what to wear, I finally thought of what I want to wear. I chose a midnight black tube top, topped with a mustard yellow coat, paired with a high waisted mustard maong shorts and a knee length black heel boots. I tied my hair up in a clean ponytail and did my make up. After checking myself up in front of my body mirror, I smiled and headed downstairs despite my head still slightly pounding. Stupid hangover. Upon reaching the dining area, naabutan ko si Diana na may kausap sa cellphone nito habang nagjo jot down nang kung ano man sa notebook nya. I smiled. Even though she's got a very unlikeable attitude and grumpy personality, she's really a good friend and a great secretary. I'm so glad I found her. I was standing idly at one corner of the dining area simply just looking at her hanggang sa mapatingin uto sa akin at tinaasan ako nang isang kilay. "Ganyan ang itsura mong papasok sa opisina?" Saad nito saka itinuro ang suot ko gamit ang ballpen nito. "Oo, aangal ka?" Pabalang kong sagot saka naglakad papalapit sa kaniya. "Naninigurado lang. Ganda mo nga eh." Sarkastikong ani nito saka mahinang tumawa. Pinaningkitan ko lamang sya nang mata at umupo sa na isang bakanteng mesa at nagsimula nang kumain. Both of us were peacefully eating nang makarinig kami pareho nang busina mula sa labas nang bahay. "That motherfucker.." mahinang sabi ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa kutsilyo at tinidor na gamit gamit ko sa pag kain. "Hello, ladies!" Pareho kaming lumingon ni Diana sa pinanggalingan nang napakalakas at nakakarinding boses. Leaning against the wall near the entrance to the dining room stood my most favorite person in the whole wide world. David. Sa tanang buhay ko, gusto ko lang talagang mabuhay nang isang buong araw nang hindi ko nakikita ang mukha nya o nararamdaman ang presensya nya. Ang tagal na naming magkaibigan. Nakaka uta na syang tignan. Wala na bang bago? Yung mas gwapo? Char. "Ready to go?" Nakangsing ani nito habang ipinapa ikot sa isang daliri nito ang susi nang pinakamamahal nyang sasakyan. Akala mo kung sinong pogi ito kung maka asta dito sa pamamahay ko. Eh laging pangalawa lang naman kapag katabi nya si Aristotle my loves ko. Napa buntong hininga ako. It's been three years since I last saw him. It's been three years pero hindi parin ako maka move on sa kaniya. May asawa na sya at lahat lahat nandito parin ako, minamahal parin sya. Tanginang yan naman. Ayokong maging kabit pero bakit hindi ko parin sya kayang ipagpalit? Naks rhyme. Ilang minuto ko ding inisip yan. "Yep. I just cleared her schedule for today, Dav." Nakangiting sagot sa kaniya ni Diana. Napakunot ako nang noo. Anong cleared my schedule? Eh may board meeting akong a-attend-an mamayang hapon? "Then it's settled! Today, we'll be drinking 'till we drop!" Nakangiting ani ni David saka naglakad papalapit sa akin at inakbayan ako. Oh, boy. I think I know what's happening.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD