Leia's Pov Naalimpungatan ako nang may tumapik sa aking pisngi. Pagmulat ko ng aking mga mata naaninag ko kaagad si Hazel na ginigising ako. "Psst oy! Gising na may misyon pa tayong pupuntahan" "Hmmm" ani ko "Woi!! Leia gising na!!!" Malakas na sigaw ni Hazel Nakarinig ako ng mga yapak at mga bungisngis "Hindi pa ba sya gising Hazel?" At ayun ang pamilyar na boses ng isang lalake. "Hindi pa nga diba, ikaw kaya gumising nito" "Mahahalikan ko talaga ang babaeng toh kapag hindi pa toh magigisin" kaya dahil dun napabalikwas ako ng bangon "Pfft" halatang nagpipigil ng tawa ang mga kasama namin sa loob ng dorm "Oh akala ko tulog ka pa?" Painosenteng tanong ni Shawn saakin "Agh alis! Alis kayo!" Ani ko at sinimulang ifreeze ang kwarto kaya nagsimula silang magsilabasan, ngunit pagtingi

