CHAPTER 46 "MANGAKO KA sa akin na kahit anong mangyari, hindi ka bibitiw. Hindi tayo bibitiw, okay?" pakiusap ni Max habang nasa rooftop sila ni Marra. Dinala niya ito roon upang makapag-usap sila pagkatapos ng meeting na nangyari kaninang umaga. Maghapon na wala silang kibuan. Alam ni Marra na ayaw ni Max ng sinabi niya sa CEO na hindi sila ang nasa larawan. Alam niya na mahirap ang sitwasyon niya ngunit mas mahirap ang sitwasyon nito. May masisira at madadamay kung sakali. Ayaw naman niyang masira ang Daimod13 dahil lang sa kaniya. Wala ng ibang matatanaw mula roon. Tanging liwanag na mula sa malawak na kalangitan na lang ang makikita at ilang mga ilaw na nagmumula sa mga poste at tahanan sa ibabang bahagi. Malamig din ang hangin na siyang humahalik sa kanilang mga balat.

