CHAPTER 38 MAGAAN ANG pakiramdam ni Marra nang magising siya kanina. May trabaho silang lahat kaya mabilis siyang gumayak. Malapad ang ngiti niya sa mga labi habang nag-aayos ng sarili habang nakatutok sa salamin. Naupo sa kama si Harra na bahagyang nakakunot ang noo. Nang makita niya ito ay hinarap niya kaagad. "Oh, anong mayroon sa itsura mo? Ang aga-aga!" wika niya habang sinusuklay ang maiksing buhok. Pansin niya na medyo humahaba na iyon. Tumingin ito sa kaniya habang seryoso ang mukha. “Wala, ate.” Hindi na siya kumibo pa. Mukhang pangit na naman ang mood nito. Ilang araw na kasi itong ganito magmula nang makabalik ito galing sa Daegu. Hindi niya alam kung ano ang naging usapan nito at ni Reed dahil hindi siya nagtatanong. Hinahayaan na lang muna nila ito dahil mukh

